Maine may bagong ‘asawa’

Birthday today, March 3, ni Maine Mendoza who turns 23 years old.

A few days before her birthday ay may tweet si Maine na ayaw niya pang mag-birthday at meron siyang birthday blues, pero hindi siya sinabi kung bakit.

Kahapon ay binati niya ang ‘asawa’ niya na si Chris Martin ng famous band na Coldplay. Magkasunod ang birthday ni Meng at ng crush niya, kaya feeling niya ay may konek silang dalawa.

“Happy birthday sa asawa ko, binati kita sa Eat Bulaga, sana napanood mo. Enjoy ka diyan. Miss you, love you,” tweet ni Menggay na may kasamang Photoshopped pic na magkatabi sila ni Chris (na dyowa ngayon ni Dakota Johnson ng Fifty Shades movie series).

May birthday celebration si Maine today sa Eat Bulaga at hopia ang AlDub fans na may kilig moments sila ng dati niyang ‘asawa’ (sa Kalyeserye) na si Alden Richards.

In fairness ay maraming natutuwa sa ACTUALLY game na naglalabanan ang dalawang grupo ng Dabarkads. Magkasama sa Yellow Team ang AlDub at madalas manalo ang team nila. Magtatapat ulit sila today ng Blue Team.

Wala pang official announcement, pero siguradong matutuwa ang AlDub Nation kung totoo ‘yung narinig naming balita na tuloy ang movie nina Alden at Maine.