NI:VINIA VIVAR

Sa gitna ng COVID-19 pandemic ay na-realize ni Maine Mendoza na marami pa rin siyang dapat ipagpasalamat.

“Ako, ang pinaka-realization ko sa nangyayari ngayon since nakikita ko nga ‘yung mga nagpapadala ng messages sa akin through donation drive, na-realize ko how blessed I am and my family,” pahayag ni Maine sa kanyang Facebook Live session with Tristan Cheng last Saturday.

“Ta’s ‘yun nga, mayroon kaming bahay na tinirhan, lalo na kahapon, ang lakas-lakas ng ulan, ang lakas-lakas ng hangin, naisip ko, paano na ‘yung mga walang bahay, ‘yung mga nasa kalsada lang.

“Tapos, naisip ko rin na there are so many things to be thankful for. Nakakakain, na safe kaming lahat dito sa bahay. Kasi, ang hirap, ‘yung iba na mga frontliners natin na talagang kailangan nilang magbigay ng serbisyo at magsakripisyo for their family, kailangan nilang lumabas, mag-work everyday.

“So, thankful ako na safe kaming lahat dito, may bahay, may pagkain, lahat, and ayun, how blessed I am and how blessed we are,” sey pa ni Maine.

Ibinahagi rin niya na kahit nasa bahay siya ay napakarami pa rin daw niyang ginagawa. In fact, mayroon daw siyang pinagkakaabalahan ngayon na hindi pa raw niya pwedeng i-divulge.

“Hindi siya showbiz-related. Basta parang may pina-plan lang ako ngayon, tapos du’n ko binubuhos ‘yung time and effort ko ngayon kaya sobrang productive ko everyday kahit nasa bahay lang ako kasi meron akong mga pinag-aaralan, meron akong mga sinusubukang bagay-bagay.

“In the future, malalaman n’yo rin ‘yun, pero sa ngayon, I’ll keep mum first,” ani Maine.