May sitsit na si Maine Mendoza ay may chance na magka-album. Hindi photo album, malamang mga kanta itong ilalako sa digital format. Kaya nga matapos kong malaman ito at may drama pang ipakikita niya ang kanyang prowess sa Eat Bulaga kasama ang Broadway Boys, ang diva that you love inabangan talaga.
Huwag na nating isa-isahin pa kung ano ang mga Carpenters songs na kaniyang kinanta kasabay ang apat na bibong bata dahil siguro ako na ang last remaining Carpenter na si Richard, kung napanood niya ito, malamang nagdabog ang kanyang bangs.
Bakit kaniyo? Bubble gum and light tunes na kanta na nga ang ibinigay na piyesa kay Menggay, parang napadaan lang siya sa isang karaoke bar at pinilit kumanta. Walang feelings. Ni hindi mo maramdamang kinuwento niya ang kuwentong nasa mga kanta.
Bakit rin kaya parang “pinatanda” ang Philippine Sweetheart? Hindi flattering ang suot niyang all kapeng may halong gatas outfit. Sa true lang, boring at dahil nga HD ang telebisyon namin sa balay, eksaherada rin ang blush on niya. Gustong kabugin ang mga payaso sa peryas of yore, huh!
Isa pang obserbasyon, parang nawala ang brillo at taginting ng mga Broadway Boys nung si Mendoza na ang kasabay sa pag-awit. Lahat sila, naging alto ang vocal range. Mas pleasant pa silang pakinggan nung nagbobosesan sila na wala pa si Maine sa equation.
Siyempre pa, hindi naman walastik, pantastik yung kanyang biglang drums number. Mas bongga pa siguro kung iyun na lang ang kanyang ginawa at di na pinakanta.
Kung talagang ito ang kanyang napipiling career reinvention, I can therefore conclude na si Maine Mendoza na ang millennial Pops Fernandez.
Parehong may big, brown at expressive eyes, check!
Parehong may pouty Hollywood lips, check na check!
Parehong fashion forward, check na check na check!
Pareho ring limited ang vocal range kaya dinadaan na lang sa attitude at projection, sa kaso ni Mendoza, sa pagpapatawa, apat na check!
Perfect song choices naman sa kanya ang mga kanta ni Karen. Kung ito ang reinvention niya talaga, she must hire a great vocal coach para magabayan siya sa pag-awit. Ang pagkanta ay skill na kailangan lang ay praktis.
Kahit pa sinasabi nilang nag-trending sa social media sites ang kanyang concert, matagalan pa sana bago masundan itong muli. Mediocrity does not deserve to be praised.
***
Diego paparusahan ng Star Magic?
Papatulan pa ba natin ang altercation ni Diego Loyzaga with a driver? Huwag na! Loyzaga should and must learn to take his own bitter pill and face the consequences of his actions. Ikaw na ang manadyak! Iba ka! Iba ang form of tension release mo, iho. Nakakasindak! Nakakapanindig balahibo in a not so very good way.
Kung sa social media site niya nga, go for gold ang angas, yabang at pagiging Inglisero niya versus the vapid people na pinaglalaruan niya, tignan nga natin kung tigasin nga talaga ang binata ni Cesar Montano.
Arrogance can only bring you so much, young Loyzaga and hindi porke yayamanin ka eh kakayanin mo ang mga taong pakiwari mo ay kayang-kaya mo.
Pinakilala mo lang sa lahat na hindi porke guwapo, hindi gago.
Ngayong may isinampang reklamo laban sa iyo, may aral ka nawang makuha rito. Matutong rumespeto sa iba at maging mapagkumbaba na bukal sa loob at hindi pabalat bunga lamang,
Now that you are being dragged down from your ivory tower, magkaka-alaman na talaga if you will man up from this dragging.
May sanction kayang ibibigay ang Star Magic kay Diego Loyzaga? Abangan!
***
JC Santos at Sandino Martin, nag-iisnaban
May katotohanan nga kaya na ang dalawang aktor na nagmula pa man din sa Philippine theater scene, hindi daw nagpapansinan? Paki-explain nga Sandino Martin at JC Santos,
Naku ha, ‘wag kayong mag-inarte na wala kang history together, baka iutos ko sa lahat ng mga maricon na panoorin ang Esprit De Corps para malaman nila na bonggang-bongga ang mga sensual scenes niyo dun. Paki-spell niyo ngang dalawa ang laplapan. naghalikan noon
Dahil nga pansin na pansin daw ang hindi niyo pagpapansinang dalawa, nag-one plus one equals twenty four tuloy ang mga piping saksi.
May unfinished business ba kayong dalawa? Wala ba kayong closure? Naging kayo ba? Ilan lamang iyan sa mga tanong na naglalaro sa mga takang-taka sa kinilos niyo sa isang gabi ng parangal.
Parang mas gusto niyong kabugin ang mga winners with your paandar, huh.
Hindi makakatulong ang inyong halatang-halatang invisble war, Martin at Santos. Hanggang maaga, kung may problema, pag-usapan. Puwedeng sa maboteng usapan or over a cup of macchiato or green tea, perhaps?