Maine naaagnas na zombie

Tulad ng magdyowang Vice Ganda at Ion Perez ay sa Shibuya rin pala sa Tokyo, Japan nag-Undas ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Sobrang cute ng DenJen sa kanilang matching yellow costumes na inspired ng iconic scene sa acclaimed crime drama series na “Breaking Bad”.

In fairness ay kinarir ang itsura ni Jennylyn bilang si Walter White at si Dennis naman ang partner in crime nitong si Jesse Pinkman.

Ang daming nag-comment na ang guwapo ni Jen as Heisenberg. Best Halloween couple daw ang DenJen, na may swit-switang kissing pic sa gitna ng kalsada sa Shibuya.

Hindi na kailangang mag-abroad, pero nangabog din nu’ng Halloween ang magdyowang Jerald Napoles at Kim Molina.

Pak na pak ang Daniela Mukhang Dragon karakter ni Jerald ala Dimples Romana sa “Kadenang Ginto”, tapos ay si Kim ang hatak-hatak nitong red maleta na si Savannah Secosana.

Sobrang hit ng kabaliwang ‘yon ng KimJe nang maki-Halloween party sila sa Poblacion, Makati.

Ang magdyowang Maja Salvador at Rambo Nuñez ay wagi rin ang matching spooky makeup and costume habang nagbabakasyon sa Coron, Palawan.

Ang magkaibigang Darren Espanto at Kyle Echarri ay nag-superhero costumes sa Singapore. Pinatunayan ng 18-anyos na si Darren at ng 16-anyos na si Kyle na mga binata na talaga sila, base sa mga pabakat sa kanilang body-fitting Spider-Man at Black Panther outfits.

Pero ang talagang winner bilang scariest celeb nitong Halloween ay si Maine Mendoza, na sobrang nakakatakot ang itsura bilang naaagnas na zombie sa Halloween celebration ng “Eat Bulaga”! (Allan Diones)