
BINUKSAN na kahapon ng umaga ang sariling McDonald’s branch ni Maine Mendoza sa Sta. Clara, na nasa hometown niya sa Sta. Maria, Bulacan.
Hindi na lang McDo endorser ngayon si Maine kundi franchise owner na rin.
Siya mismo ang nag-cut ng ribbon sa grand opening kahapon kasama ang buong pamilya niya.
After ng ribbon cutting ay tumulong siyang magkahera habang hindi magkamayaw ang dumagsang mga tao na karamihan ay fans niya.
‘Kagulo ang Maine fanatics na lahat ay masaya para sa negosyo ng idol nila.
Ang sabi sa amin ay nasa P30M to P50M range ang start-up cost ng pagkakaroon ng sariling McDonald’s branch.
Hati raw si Maine at ang kanyang mommy na kung tawagin ng fans ay Nanay Dub sa bagong negosyo na ito ng pamilya.
Ang naatasang mag-manage ng McDo Sta. Clara ay ang ate ni Meng na si Niki Mendoza-Catalan.
Kung tutuusin ay maning-mani lang para kay Maine ang in-invest niya sa resto business niyang ito.
Dahil kung tama ang dinig namin, ‘pag pinagsama-sama ang kinita niya sa kanyang TV commercials and endorsements alone mula nang magsimula siya sa showbiz ay lagpas daw ‘yon sa P300M.
Patunay na ganu’n kalaki ang kinikita ni Meng ay pinarangalan siya kamakailan ng BIR Caloocan bilang top regional individual taxpayer.
***
Absent si Alden Richards sa opening kahapon ng McDonald’s na pag-aari ni Maine dahil nag-fly ito pa-Amerika.
May show kasi ang Pambansang Bae sa Houston, Texas bukas (August 13).
Nauna nang pasukin ni Alden ang restaurant business nang magkaroon siya ng sariling franchise ng Concha’s Garden Resto.
Ang alam namin ay dalawa na ang branches niya nito, ‘yun pala ay tatlo na raw at malapit nang maging apat.
Target ni Tisoy this year na magkaroon ng sariling gasoline station. Plano niya ring pasukin ang spa business.
Ang taray ng AlDub, bongga na sa career ay bumobongga pa sa negosyo.
Bonggang lovelife na lang ang kulang!