Maine nagpapatayo na ng dream house nila ni Arjo

Viral ang lumabas na picture ng ipinapatayong bahay ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Katunayan, malapit na itong matapos at kung hindi kami nagkakamali ay magiging kapitbahay na niya ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola.

Sey naman ng netizens, deserved daw naman ni Maine ang maganda at malaking bahay dahil bukod sa very hardworking ay pinaghirapan daw naman niya ang lahat ng kanyang investments kahit pa sabihing galing din siya sa buena familia.

Bukod kasi sa pag-aartista, humahataw din kasi ang bida ng “Mission Unstapabol: The Don Identity” sa mga endorsement at TV commercial.

Dagdag pa rito, may sariling franchise na siya ng isang popular na food chain at may negosyo pa siyang ipinundar kasama ang kanyang mommy.

Blooming din ang love life niya lalo pa’t wala na siyang inhibitions tungkol sa estado ng kanilang relasyon ng kanyang boyfriend na si Arjo Atayde.

Dahil namumutiktik, ilan namang netizens ang nang-iintriga na ang ipinatatayong dream house umano ni Maine ay magiging love nest umano nila ni Arjo.

Matatandaang inamin ng 28-year-old actress na nag-uusap na rin sila ni Arjo tungkol sa kanilang future at pabiro niyang sinabi noon na ang target age niya sa pagpapakasal ay 29. (Archie Liao)