Pinag-uusapan ngayon ang paggawa ng pelikula ni Maine Mendoza sa sister company ng ABS-CBN 2. Ito’y ang “Isa Pa With Feelings” ng Black Sheep Productions katambal si Carlo Aquino.

Iniintriga ngayon ng mga netizen si Maine na naiinggit umano kay Alden Richards­ kaya sinundan niya ito.

Gumawa kasi ng pelikulang “Hello, Love Goodbye” ang aktor with Kathryn Bernardo. Ang pagkakaiba nga lang, pang-mainstream ang Star Cinema flick ni Alden samantalang ang Black Sheep Productions ay kilala sa indie.

Wrong timing daw ang announcement na gagawa si Maine ng pelikula sa Kapamil­ya dahil promo time ng KathDen movie. Parang pinagsasabong pa ang mga fan ng AlDub kung aling pelikula ang panonoorin nila at susuportahan.

Bukod dito, hinusgahan agad-agad na umano’y walang chemistry sina Maine at Carlo. Sey pa nila, baka raw lamunin nang buong-buo ni Carlo si Maine dahil sa galing nitong umarte.

Tanong din ng AlDub fans sa APT, nasaan na ang pangako nila na balik-tambalan ng dalawa?

Dilat na raw ang mga mata nila sa kahihintay.