Maine, napaiyak sa concert tickets

Maine Mendoza

COLDPLAY concert tickets pala ang natanggap na gift ni Maine Mendoza na ikinaiyak niya sa sobrang tuwa.

May tweet kamakailan si Maine na, “Just got one of the best gifts EVER! I AM SO HAPPY. This is the second time I’ve cried over a gift. Mabubuo na taon ko! So excited!!!”

Isa ang sikat na British rock band sa pinakapaboritong music artists ni Meng kaya ganu’n na lang ang tuwa niya sa pasabog na regalong natanggap niya.

Ang alam namin ay paborito rin ni Alden Richards ang Coldplay (na favorite din ng maraming celebs gaya nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual), pero hindi namin sure kung si Alden ang makakasama ni Maine na manood ng concert nito.

For sure, wish ng AlDub Nation na si Tisoy ang makasama ni Menggay na manood ng dream concert nito.

This week na ang alis nina Maine at Alden pa-Morocco para sa photo shoot nila for Mega Magazine.

Ang dinig namin ay babalik muna ng ‘Pinas si Maine from Morocco, tapos ay saka ito lilipad ulit para manood ng concert sa Amerika.

Sa August 20 & 21 ay nasa Rose Bowl Stadium sa Pasadena, California ang concert tour ng Coldplay, so malamang sa isa sa mga araw na ‘yon manonood si Meng.

Siguradong abut-abot ang pasasalamat ni Menggay doon sa generous na taong nagbigay sa kanya ng payanig na gift.

Alam namin kung sino ang bonggang gift giver, pero huwag na lang daw naming banggitin dahil baka magkaisyu pa.

Nu’ng Sabado sa Eat Bulaga ay nagpasalamat sina Maine at Alden sa lahat ng tumangkilik sa kanilang phenomenal hit movie na Imagine You & Me dito at sa ibang bansa.

Siguradong may pa-bonus ang APT Entertainment sa AlDub dahil sa huge success ng IYAM sa takilya.

Kamakailan ay nagpa-thanksgiving party ang yayamanin fans ni Meng na Solid Maine United.

Bonggadera ang papiging nila sa Megatent Events Venue sa Libis na Hollywood ang theme.

Glamorosa ang peg ni Maine na dumating sa party nang naka-red gown at ganda-gandahan ang hair na bangs kete bangs, courtesy of her favorite hairstylist Celeste Tuviera.