GANDA-GANDAHAN si Maine Mendoza sa cover ng May 2017 issue ng Cosmopolitan Philippines.
Hindi ito ang first time na naging covergirl si Maine ng Cosmo, pero first time na solo siya at hindi niya kasama ang ka-loveteam niyang si Alden Richards.
Seksi-seksihan si Menggay sa suot niyang silk dress at ang gaganda ng shots sa kanya ni Mark Nicdao, pero favorite niya ‘yung naka-wacky face siya kaya tinweet pa niya ito.
Bongga si Maine dahil milestone 20th anniversary issue ng Cosmo PH at siya ang covergirl.
May pa-event ang mga yayamaning fans ni Meng nu’ng Thursday night na tinawag nilang Maine Sparkling Denim & Diamonds, kaya denim ang suot ni Menggay with matching diamond jewelry.
Bale belated birthday celebration pa rin ‘yon ni Maine kahit nu’ng Marso pa ang kaarawan niya.
Super kilig ang fans sa swit-switan moments nila ni Alden sa nasabing event sa Manila Hotel.
Pinasan pa ni Tisoy si Menggay sa likod habang nagpapapiktyur sila sa photo booth, tapos ay nagsusubuan sila sa stage.
Nandu’n ang bagets na pamangkin ni Meng na si Matti at ito ang nagdagdag ng cuteness sa gabing ‘yon. Aligaga ang AlDub sa malikot na tsikiting.
Mahilig sa bata si Alden kaya giliw na giliw ito kay Matti. Panay ang laro ng dalawa sa stage at mukhang close na si bagets sa kanyang Tito Alden, na kumi-kiss pa ito sa lips ni Tisoy.
Ang sweet tingnan ng AlDub na sabay na nag-aalaga kay Matti, kaya sey ng fans ay para silang isang pamilya. Nanay-tatay ang dalawa at dyunakis nila si Matti.
Present din sa event ang parents ni Meng at ang Daddy Bae ni Alden. May dance number pa ang kanilang parentals.
Sa speech ni Meng ay may linya siya na, “Pasensiya na po sa Destined To Be Yours,” tapos ay naghiyawan ang mga nasa loob ng ballroom.
Putol ‘yung napanood naming video, so hindi namin sure kung ano pang kasunod ng dayalog na ‘yon ng dalaga.
May mga nagreak pala sa sinulat namin dito na ang dinig namin ay hanggang May 19 na lang ang DTBY at mukhang papalitan ito ng Mulawin vs. Ravena na magsisimula na sa May 22.
Ang sabi ng fans, short ng one week ang DTBY para maging complete one season (o 13 weeks) kung May 19 ito magtatapos.
Sa social media ng Encantadia ay ay may post na 05.19.17.
Ibig sabihin ay Enca ang magwawakas sa petsang ‘yon, na tama lang na ito ang palitan ng telefantasya rin na Mulawin vs. Ravena.
Kung gano’n, ang ibig sabihin ay May 26 magtatapos ang DTBY at makukumpleto nito ang isang buong season with 13 weeks.
Ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang My Love From the Star ang papalit sa DTBY.
kung anu-ano na lang ang mga ka-cheapan ang binabalita para lang maging relevant ang mga laos. baka sa susunod naman “Alden pinunasan ang puwet ni Maine after tumae!” o kaya “Maine nasinghot si Alden dahil sa laki ng butas ng ilong!” harharhar!