tonite-imo-vinia-vivar
Hindi lang sa exposure at role sa pelikula naghati sina Coco Martin at Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscre­dibles kundi maging sa production side rin.

 

Ang nasabing movie ay produced ng CCM Film Production ni Coco, MZet Productions ni Bossing Vic at APT Productions ni Tony Tuviera.

 

Ayon kay Coco, as producers, naghati rin sila sa trabaho. Ang team niya ang sa creative side at sina Bos­sing naman naman sa production.

 

At puring-puri ng aktor si Bossing sa pagha-handle nito sa mga staff and crew.

 

“Lahat po ng staff and crew na kasama namin dito, sobrang bait. Sobrang maalaga. First day pa lang namin, nagulat na ako kasi sabi ko, ‘yung pagkain, napakamaalaga nila, napaka-ano, maglu-look forward ka na sana, maraming beses pa kayong magkatrabaho, lalong-lalo na kay Mr. T (Tony Tuviera). Talagang sabi ko, nito lang po kami nagkakilala pero sob­rang bait niyang tao, sobrang sarap kausap, napakarami kong natututunan sa kanya everytime na nagkukuwentuhan kami.

 

“And then, sabi ko nga, kami nina Maine (Mendoza), nina Bossing, pag magkakasama kami with their staff, wala po, kahit na ang lalaki ng mga eksena namin, kahit ang hihirap, lalong-lalo na po sa part ni Maine dahil tala­gang sabog to sa­bog ang ginagawa namin, mga stunts na ginagawa namin, pero lahat kami, nag-enjoy lang. And then, one day, hindi namin namalayan, tapos na po ‘yung buong pelikula,” ani Coco.

 

“Nang makumusta naman sa kanya si Maine bilang leading lady, ani Coco, ay walang kaarte-arte at napaka-professio­nal daw.

 

“Kasi may mga eksena kami rito na. . . siyempre, minsan, may mga makakatrabaho ka na mararamdaman mo ‘yung ilangan, lalo na pag first time n’yo. Kasi, may mga intimate scene kami, eh, sa mga eksena, lalo na sa mga action scene.

 

“Siyempre, minsan, nagkakadikit ‘yung mga katawan namin. Ako, pakikiramdam mo ‘yung babae, baka mamaya, alam mo ‘yun? Ma-inti­midate or whatever, parang nag-aalangan ka.

 

“Pero si Maine, wala. Mahuhulog ‘yung loob mo sa kanya kasi parang alam mong partner, alam mong pareho kayo ng goal na “ayusin natin ‘to, pagandahin natin ‘to.” Tapos, ‘yun nga, pag nagbigay ka ng suggestion sa kanya, makikinig siya, tapos mas papagandahin niya,” papuri pa ni Coco.

 

Hindi rin makakalimutan ng aktor ang isang eksena sa movie na kumakain sila ng fresh pa­laka na walang kamalay-malay si Maine.

 

“Totoong palaka ‘yung kinakain namin, eh hindi po pala siya kumakain nu’n. Eh ako, kumakain ako ng palaka, eh,” sey ni Coco.

 

Kinain daw ‘yun ni Maine kaya naman bilib na bilib si Coco.

 

“Kaya siguro siya minamahal ng mga tao, ng mga sumusubaybay sa kanya, dahil napaka-professional niya at napakabait at napakasimple niyang tao,” ani Coco.

 

Pamilya Revilla masaya ang Pasko

 

Nagbubunyi nga­yon ang buong pamilya at kaibigan ni dating Senador Bong Revilla dahil sa pagkaka-acquit niya sa kasong Plunder na isinampa laban sa kanya. Binasahan ng desis­yon kahapon ang aktor sa Sandiganbayan First Division.

 

Pagka-acquit na pagka-acquit kay Bong ay nag-post agad sa kani-kanilang Instagram account ang mga anak niyang sina Jolo at Bryan Revilla.

 

Nag-post si Jolo ng larawan nilang mag-ama at makikita mo naman talaga sa kanila ang labis na kaligayahan.
“Uuwi na kami ni Papa! Kumpleto na ulit ang pamilya namin sa aming bahay. Mara­ming maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paglaya. The truth will always prevail!” ang caption ni Jolo.

 

Nag-post din si Br­yan ng larawan nila ng ama at sa caption, aniya, “Thank you Lord!!! We are finally going home!!”

 

Sa IG Story ni Bryan ay tinanong niya ang ama ng “How does it feel to be a free man?”
Sagot ni Bong na bakas na bakas ang sinseridad, “I’m so happy, finally it’s over. Salamat sa Panginoon. Thank you Lord, thank you.”

 

Sinamahan si Bong kahapon sa Sandiganbayan ng kanyang asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado and children Jolo, Bryan, Viktoria Gianna Bautista, Franzel Loudette Bautista, and Luigi Revilla. Ang matalik niyang kaibigang si former Senator Jinggoy Estrada na kasama rin niyang kinasuhan ng plunder, ay naroroon din to give his support.

 

Finally, masaya ang Pasko ng pamilya Revilla dahil kumpleto na sila.