BAKIT ba hit na hit ang Imagine You and Me?
Allow me to count the ways. Una siyempre, ang Como, Italy. Find all the adjectives na synonymous sa beautiful at patungkol sa lugar, ‘yun ang pwede ninyong ikabit sa lugar na ginamit sa pelikula.
Nakakaloka sa Como, parang walang alikabok at basura, walang marumi at masikip. At ang mga villa rito, alam mong rich in history.
***
Si Ms. Irma Adlawan na gumaganap na stepmother ni Alden Richards.
Adlawan speaks Italian na parang bihasang-bihasa siya rito. Kulut-kulutan pa ang Philippines’ Meryl Streep at ang best scene niya, ang breakfast scene nila ni Richards.
***
Muli niyang pinatunayan na siya ang the Curtis who can act. Jasmine Curtis Smith as Isay/Clarissa is heartbreaking and to say na magaling siya is an understatement.
Ang quiet confrontation scene nila ni Alden, plok kete plok ang aking tears.
***
Ang appearance ni Marian Rivera bilang hugoterang manghuhula with a facial tic.
Short pero full of impact ang eksena ni Rivera.
There is an inner comedienne in Marian na dapat niyang i-explore at i-capitalize in her future projects.
Of course, Mrs. Dantes still needs a great script and even greater guidance of a director to pull it off.
***
Ang “love team” nina Ken Chan & Jeric Gonzales.
Short & sweet ang screen time of the love birds and boy, they look so meant for each other.
***
Ang makabagong Urbana & Feliza, at pwede ring sabihing modern day incarnations nina Mitch Valdez & Nanette Inventor. Sina Kakai Bautista at Cai Cortez bilang best friends ni Mendoza.
They added a different texture and flavor sa best friend of the bida.
Sobrang aliw ang dalawang hitad.
***
May promise si Maine sa comedic scenes niya pero sa drama, she needs more practice.
Captured ang kanyang charms at kookiness sa pelikula. Tama lang na light materials ang kanyang ginagawa.
Marami pang means at ways para mag-improve siya sa pag-arte. Ang importanteng ipinakita sa pelikula, hindi siya tuod and her emotions are genuine.
***
The Force of the movie, aside from the direction of Mike Tuviera, is of course, Alden Richards.
Dalawang eksena rito ang mahusay na mahusay ang Pambansang Bae, ang singing the karaoke while crying at ang acting duel nila ni Jasmine Curtis Smith.
Litaw na litaw sa pelikula ang katotohanang Richards isn’t only the pambansang dimples, may chance na pwede rin siyang iproklamang pambansang aktor.