Maine, sinulit ang camping ng fans sa airport

Maine Mendoza

NAGTATALO ang fans ni Maine Mendoza kung kailan ba talaga ang balik sa ‘Pinas ng dalaga mula sa Los Angeles, California kung saan ay nanood siya ng concert ng Coldplay na A Head Full of Dreams noong Sabado sa Rose Bowl sa Psadena, California.

May nagsasabi na sa Huwebes ay nandito na sa bansa si Maine at ba­balik na siya sa Eat Bulaga sa Biyernes.

Ang iba, sinasabing sa Biyernes pa ang balik niya via Hong Kong (Cathay Pacific Airways daw kasi ang sasakyan ng grupo niya) at sa Sabado pa siya mapapanood uli sa noontime variety show ng TAPE, Inc.

Noong umalis ng ‘Pinas ang grupo ni Maine, delayed ang flight nila pa-Hong Kong, kaya hindi nila nasakyan ang ori­ginal connecting flight nila pa-Los Angeles, Ca­lifornia (port of entry nila sa Amerika).

Maraming fans ang nagpunta sa Tom Bradley International Airport para abangan ang pagdating doon ng pheno­menal star ng Eat Bulaga, at nagtiyaga ang mga ito na maghintay sa bagong flight ni Maine, huh!

‘Yung iba, natulog na sa LAX (tawag sa airport ng L.A.) at mahirap na raw kung uuwi pa sila at baka hindi nila masilayan ang beauty ng kanilang i­dolo, ‘noh?!

Karamihan daw sa fans ni Maine na nagpunta sa LAX para abangan siya ay galing pa sa malalayong lugar ng California katulad ng San Diego, San Francisco at ‘yung iba ay nag-drive pa from Las Vegas, Nevada, kaya hindi na sila umalis ng airport.

In fairness to Maine, hindi siya nagdamot sa fans na naghintay nang matagal sa kanya sa LAX.

Nasa arrival area pa lang siya, panay na ang kaway niya sa mga ito.
In fairness sa mga kasama ni Maine na nagpunta sa L.A., hindi sila nag-atribida.

Hinayaan nila na malapitan ng fans ang dalaga.

Bukod sa nakapagpa-picture ang fans kasama si Maine, marami rin sa kanila ang nakahalik sa dalaga.

May mga bata pa na nilapitan si Maine at niyakap.
Sabi ng fans ni Maine na nag-abang sa kanya sa LAX, hindi sila nanghinayang na nag-“camping” na sila sa airport dahil sulit ‘yon sa kabaitan ng kanilang idolo!

***

Noong nasa Ho Chi Minh (Vietnam) kami, kaliwa’t kanang Filipino TV series ang napanood namin sa local TV channels nila.

Pero dubbed na ang mga ‘yon sa salita nila, kaya hindi namin maintindihan.

Mga dating TV series ng ABS-CBN at GMA 7 ang napanood namin at nakakaaliw na panoorin ang mga artista natin na dubbed na ang mga salita sa Vietnamese, huh!

‘Yung isang series ni Judy Ann Santos kung saan kaeksena niya si Amalia Fuentes ay ipinapalabas pa rin sa Vietnam.

Three years ago ay sinamahan namin sa lugar na ‘yon si Michelle Madrigal at kasama namin sina Dennis Trillo at Carla Abellana.

Sikat sila roon dahil sa ilang old series ng Kapuso network na ipinalabas doon.

Kahit saan kami magpunta, may fans na sumusunod sa kanila at nakikilala rin sila ng ibang Vietnamese.

Dahil successful sa Vietnam ang Filipino TV series natin, hanggang sa bansang ‘yon ay may tapatan pa rin ang Kapamilya at Kapuso networks, ‘noh?!

***

Kung totoong sa hu­ling linggo ng buwan na ito (o sa unang linggo raw ng Setyembre) babalik sa Eat Bulaga si Paolo Ballesteros, maraming fans ang matutuwa.

Miss na miss na kasi si Paolo ng kanyang fans.

Kahit hindi deretsahang inamin ng mga taga-TAPE, Inc. ay obvious na suspendido sa Eat Bulaga si Paolo after niyang mag-post sa social media ng mga reklamo niya dahil sa hindi sila inaasikaso sa isang advertising event na pinapuntahan sa kanila.

Malaking bagay ang exposure ni Paolo sakaling makabalik na siya sa Eat Bulaga para sa promo ng kanyang pelikulang Die Beautiful.

Isa rin daw sa produ­cers ng Die Beautiful ang APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera na big boss sa TAPE kaya marahil, pagbibigyan naman nila na makabalik na sa Eat Bulaga si Paolo.