Lee Min Ho Gong Yoo
Lee Min Ho at Gong Yoo,
magpapakilig na

MAPAPANOOD na ang dalawa sa pinakamalaking Koreanovela noong 2016 na Legend of the Blue Sea at Goblin ngayong Lunes (May 8) sa ABS-CBN.

Ang fantasy-romance-drama na Legend of the Blue Sea ay sa pangunguna nina Lee Min Ho (na noon pa man ay mahal na ng mga Pinoy) at Jun Ji-Hyun (bilang imortal na sirena).

Mapapanood ito pagkatapos ng The Better Half.

Ang Goblin ay pinagbibidahan ni Gong Yoo bilang taga­pagtanggol ng mga kaluluwa.

Nagbida si Gong Yoo sa pelikulang Train to Busan.

Matutunghayan ang Goblin pagkatapos ng A Love to Last ngayong Lunes sa true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.

***

Dinenay na ni Sandara Park na may namamagitan sa kanila ni Robi Domingo kaya laos ang pagpapataas ng market value ni Robi at the expense of Sandara.

Natatandaan natin na ang type ni Sandara ay ang kanyang fellow Asian superstar na si Mario Maurer.

Anyare na kaya roon?

***

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Very special guest ni Alden Richards si Maine Mendoza sa kanyang sold-out concert na Upsurge sa Mayo 27 sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, QC.

Ang iba pang guests ay sina Raymund Marasigan, Mark Herras, Rodjun Cruz, Jerald Napoles, at Kristoffer Martin.

Front-act si Migo Ade­cer.

Ang Alden Richards Upsurge ay presented ng GMA Records at GMA Network. Bahagi ng kikitain ng ticket sales ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.

***

Patuloy ang pagkakaisa at katatagan ng pamilya nina Jude (Zan­joe Marudo) at Clara (Bela Padilla) ngayong muling nasa peligro ang buhay ni Heart (Heart Ramos) dahil sa mga Camilus sa ABS-CBN primetime series na My Dear Heart.

Nabawi na ni Francis (Eric Quizon) si Heart at ang tiwala ng pamil­ya De Jesus, at gagamitin niya ang pagkakataong ito upang pabagsakin at sira­an si Margaret (Coney Reyes) sa patuloy na paglubha ng sakit ng bata.

Magtagumpay kaya ang mga Camilus sa kanilang mga plano? Huwag palampasin ang teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang My Dear Heart, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsya­no sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

***

Totoo ba ang nasagap naming balita na uma-attitude na ang theater act­ress na nagme-mainstream assignments na si Kim Molina?

Sana ay hindi lumaki ang ulo niya agad dahil hindi siya maganda kapag uma-attitude siya.

***

Marami ang namamalisyahan sa mga kasama ni Markki Stroem sa mga post na kung sinu-sino ang nakakasama sa lakaran abroad.

Ano na ba ang career ni Markki?

***

Kakatwa na ang dalawang babaeng na-link kay Bossing Vic Sotto na si Pia Guanio at ang ngayo’y asawa na si Pauleen Luna ay on the family way.

Pangalawang baby na kung sakali ito nina Pia & Steve Mago samantalang una nina Vic & Pauleen.

Peaceful co-exis­tence ito sa noontime show na parehong minahal ng dalawang babae, kaya hindi awkward

One Response