Maine tulay nina Alden, Julie Anne

Viral ang video na inaalalayan nina Maine Mendoza at Julie Anne San Jose ang isa’t isa off cam.

Marami ang nag-react sa nasabing video.

Merong nagulat lalo pa’t buong akala ng iba ay may silent feud ang dalawa considering na paboritong ma-bash noon ng AlDub fans si Julie.

Sa iba namang fans ni Maine, na-appreciate nila ang gesture ng dalawa.

Sey tuloy ng ilang netizen, ngayong may Arjo na siya, tila nagiging tulay si Maine para muling mabuhay ang partnership nina Alden at Julie Anne.

Matatandaang bago pa man nagkaroon ng AlDub ay naging malapit sina Alden at Julie Anne. Na-link din noon ang dalawa sa isa’t isa.

Ngayong priority ni Alden ang love life sa taong ito, may mga nang-iintrigang hindi kaya si Maine ang maging tulay para ma-revive ang tambalang DenLie? (Archie Liao)