Umaariba sa takil­ya ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye”. Sa laki ng kita nito sa first week, marami ang nakaantabay kung mabi-beat ba nito ang highest-grossing film nina Kathryn at Daniel Padilla na “The Hows of Us”.

Sumuporta rin ang dating ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza. Ayon sa aktres, dalawang beses pa umano niya pinanood ang pelikula.

Sa ginanap na story conference ng MMFF entry ni Maine na “Mission Unstapabol: The Don Identity”, ikinuwento niya ang kanyang naging reaksyon matapos mapanood ang pelikula.

Binati niya sina Kathryn at Alden sa magandang movie at sa mahusay nilang pagganap. Hindi umano niya naiwasan na maluha habang pinapanuod ito.

“Feeling ko ako ‘yung nagluwal sa kanila. Feeling ko ina nila ako na habang nanonood. Ang ga­ling,” ani Maine. (Ronaline Avecill­a)