Maine, Vic, Dingdong biktima ng bawal

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Dati, ang maigting lang na magkari­bal, ang Pepsi versus Coca-Cola, si Nora Aunor at Vilma Santos, Maricel Soriano at Sharon Cuneta, ang mga namayapang sina Ike Lozada at German Moreno pero kahit pa nga sila magkakaribal, wala namang ipinagbabawal, nakakatuntong ang kahit sino o ano sa mga istasyon, may kompetisyon pero may respeto at suporta para sa isa’t isa.

Sa true lang, nakakalungkot at nakakabahala na kung kailan pa naman pinagsisigawan sa buong mundo na this is the age of political correctness and coming together is not just a fad but a genuine reality of people uniting for a common good and purpose, iba yata ang katotohanan lalo sa mga network na nagkakabugan sa Pilipinas nating mahal.

Kung bawal banggitin man lang pangalan ni Coco Martin sa promosyon ng “Jack Em Poy: The Puliscredibles” sa Kamuning station, does it follow na ang ngalan ni Maine Mendoza at Vic Sotto, hindi rin puwedeng ipahayag sa mga live noontime variety shows sa Mother Ignacia network?

Imposible rin bang payagan si Dingdong Dantes, isa sa mga pangunahing artista sa “Fantastica, The Princesses, The Prince and The Perya,” na tumuntong sa “It’s Showtime” o “ASAP,” “Tonight With Boy Abunda?” Ganito rin ba ang kapalaran na sasapitin ni Dennis Trillo na bida sa “One Great Love,” hindi rin puwedeng banggitin ni Kim Chiu ang pangalan niya, haharangin at ipagdadabog ng bangs ng mga kataas-taasan kung sakaling maglalambing siya na makapag-promote sa kalabang network?

May katwiran ba ang ganitong katwiran? If push comes to shove and APT and M-Zet get a greenlight from ABS-CBN na papayagan nilang maging panauhing pandangal si Coco sa “Eat Bulaga,” ma­ging malaking isyu kaya ito para sa mga pinuno at namumuno sa Kapuso station?

And on another matter, totoo nga bang ang mga respective network, may mga pagbabawal nga ba kina Vice Ganda, na to downplay ang mention at sighting tungkol sa bromosexual relasyon nila ni Calvin Abueva ngayong in the thick of promo na ang pelikula ni Queen Bayot?

And on the other side of the spectrum, bawal rin ba muna ang public sighting at kahit na anong display of kindness and affection nina Maine at Arjo Atayde na may blossoming friendship?

Hindi ba sobrang panghihimasok na sa personal na buhay ng mga artistang binanggit kung may katotohanan nga ang pagbabawal na ito?

Wala ba silang kumpiyansa at pananalig sa lakas at merito ng mga pelikula kaya may very backward na pagbabawal?

At ang mas lalong backward, nakaka-tuliro at nakakahibang ang mga bawal na pagsambit at ang mga ispekulasyon na bawal ang tumuntong ang mga artista sa network na hindi nila “tahanan.”

Hindi pa puwedeng itigil muna ang ganitong mga kaganapan ­alang-alang sa Pasko na panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan?

Can the powers that be stop holding on to their grudges and allow their respective artists to promote wherever they want to promote lalo na nga’t mas magandang ehemplo at patotoo sa lahat ng mga Kapamilya o Kapuso man na puwedeng magkasundo, magbigayan, magsuportahan, magtulu­ngan at magmahalan?

Ang diva that you love, ang dasal ay mawala na muna sana ang collective pride at pagiging defensive kung sino talaga ang numero uno. Mas importante sa ngayon, lahat ng tulong ay ibigay sa lahat ng mga pelikulang kasali sa MMFF dahil lahat naman ng mga kalahok ay ginawa para sa kasiyahan ng lahat ng mga Pilipino. Dapat ‘pag MMFF, wala munang Kapamilya o Kapuso, tulong-tulong, kapit-bisig para sa patuloy na pagsigla at paglakas ng pelikulang Pilipino.