Bagama’t bukas na aklat ang rights para maging isang ganap na pelikula ang “Darna” ay nasa Star Cinema/ABS-CBN, marami pa rin ang vocal sa kanilang mga pakiwari na dapat bigyang-pansin rin ang mga Kapuso na pasok sa banga para maging bagong Pinay super heroine.

Sa true lang, nakakatuwa nga naman na kung may casting call muli para sa lead role, huwag limitahan na pulos Kapamilya actresses lang ang mag-audition.

Ang heirs kaya ni Ginoong Mars Ravelo, sang-ayon na puwedeng bigyang-tsansa at pagkakataon ang mga Kapuso actresses na makatuntong sa Mother Ignacia premises para sumubok na maging bagong Darna?

Ang isa sa pinaka-bonggang pangalang ipinagtutulakan at maugong na maugong na bagay na bagay sa mapanghamong katauhan ay si Sanya Lopez. Brown, comely at talaga namang perfect fit para sa brang may bituin at panty na may tabing. Alam na alam naman nating nag-uumapaw ang dibdib nito kaya panalong-panalo na agad siya sa plus points dahil sa kanyang ample assets.

Si Lopez, wala namang ilusyon at talagang tanggap ang katotohanan na imposibleng siya ang muling magsusubo ng bato. Kapuso siya. Pang-Kapamilya lamang sa kasalukuyan ang pangmalakasang katauhan.

May pinapalutang na chika na si Maine Mendoza, bagay na bagay raw na maging Millennial Darna. Juice colored naman! Bulag ba kayo sa katotohanan?

Asan ang alindog na kalibog-libog ni Menggay? Wala siyang sex appeal.

Parang diretsong steel bar ang katawan. Kahit pa nga may kuha si Mendoza donning a bikini, walang oooh at aaahh reaction ang kanyang tinatanggap.
Ang huling Darna sa telebisyon ay si Angel Locsin at si Marian Rivera. Si Anjanette Abayari ang huling nag-Darna sa pelikula.

Ngayon, pakipaliwanag nga sa diva that you love kung si Mendoza ay nalalapit man lang sa sexiness nina Locsin, Rivera at Abayari?

Sinungaling ang magsasabing si Maine ay sing-sexy of the last Darnas.

Gising sa ilusyon, mga sisters!

Si Erik Matti, ang dating director na may hawak sa ambitious film project, sa isang panayam, I only see Nadine Lustre so far as someone who can be Darna. Very sultry. She has a lot of female sensuality and at the same time still looks tough and very Filipina. The key to casting Darna has always been someone who can look plain and ordinary in her Narda alt ego but can be tough, spunky and can be very sexy when she transforms to Darna. Nadine can look all of that.”

Mabuti pa si direk Erik, hindi lang nasa hulog, wastong-wasto ang suhestiyon. Ang mga nagsasabing si Maine Mendoza ay bagay at may karapatang maging Darna, please lang, lumaklak kayo ng brewed coffee, ‘yung purong-puro, walang asukal dapat, para magka-nerbiyos kayo.

Diether may puputok na eskandalo?

Oops, siya nga ba talaga ang gumawa at paano? May katotohanan kaya ang chika kay Diether Ocampo, may puputok nga bang eskandalo?

Panalo na sana kung ang eskandalo niyang kasasangkutan eh spanking the monkey, fellatio o kaya sexual congress bidyo pero hindi.

How true kaya ang chika na may isang businesswoman na maghahabol?
Bukas ang aming pitak para sa paliwanag ni Diether Ocampo. Nawa’y hindi totoo ang tungkol sa chikang ito.