Hindi napigilang sumagot ni Robin Padilla sa isang basher ng kanyang asawang si Mariel Padilla na nagkomentong “birther” daw sa US ang TV host dahil hindi naman daw ito nakatira sa US at nagpupunta lang doon para manganak.

Halata ngang napikon ang action star dahil sagot niya sa basher, “nasan ka p..ang ama mo?”

Bilang sagot ay nag-post si Binoe ng mahabang paliwanag bilang pagtatanggol sa misis.

“Ang pagiging filipino american ay hindi pagtataksil sa Inangbayan Lalo na ang asawa ko ay US citizen at ako naman ay may lahing native american mas amerikano pa kami sa inyong pa inglis inglis at nakatira dyan sa estados unidos at mas pilipino pa kami sa kanino man dahil sa lola ko pa lang na si gabriela silang ng abra at sa lolo ko na kapitan pablo ng nueva ecija ay lumalangoy na kami sa pag ibig sa bayan na ito.

“Ang babata pa ng mga opinyon niyo at puro na puna at paghusga. Wala kayong pakialam sa asawa ko dahil amerikana siya at karapatan at kalayaan niya ang magpakasarap sa amerika at karapatan ko at kalayaan ko magpakamatay dito sa Pilipinas!

“Wala kayong mga magawang tama subukan niyo magligpit ng kama ninyo at ipaghanda niyo ng almusal mga magulang niyo. If you cant say or do something postive to others at least Do something good for yourself,” ang mahabang pahayag ni Binoe.

Maine walang pinapatunayan kina Alden-Kathryn

Ayon kay Maine Mendoza, wala naman daw siyang pressure na nararamdaman knowing na makukumpara ang movie nila ni Carlo Aquino sa malaking tagumpay na tinamo ng Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at ng dati niyang ka-loveteam na si Alden Richards.

“Actually, parang hindi naman kami nape-pressure kasi wala naman kaming pinapatunayan. Parang gusto lang talaga namin na makagawa ng pelikula na magugustuhan ng mga tao.

“So, magiging masaya kami kung hanggang saan ‘yung aabutin. Wala kaming target or anything. So, ayun, goal lang talaga namin is magustuhan siya ng mga tao and ma-appreciate ‘yung storya ng dalawang bida,” sabi ni Maine.

Ganu’n din naman ang feeling ni Carlo at aniya, “basta naniniwala po kami na maganda ang pelikula namin,” sabay-tawa. “Kung maganda ang pelikula nila, maganda rin ang pelikula namin at pinaghirapan din naming ‘to.”

Pareho namang aminado ang dalawa na sobrang excited sila nang malaman na magkakatambal sila sa movie, especially Maine na nagkaroon ng crush kay Carlo nang mapanood ang pelikulang “Meet Me in St. Gallen” na pinagbidahan ng aktor at ni Bela Padilla.

“Siya po talaga ang gusto kong maging leading man,” ani Maine.

“Kasi, nun’g napanood ko ‘yung movie nila ni Bela, ‘yung “Meet Me. . .” talagang ‘yung admiration ko ru’n sa character niya, si Jessie, ewan ko, nun’g napanood ko siya, parang naging crush ko siya ng slight.

“Pero nang paglabas ng sinehan, nawala na rin naman,” sabay-tawa.

“So, sabi ko, iba siya sa sinehan, sa big screen, so, parang sabi ko, kung magkaka-movie ako, sana bigyan ako ng chance na si Carlo ‘yung makapareha ko,” sabi ni Maine.

Sa ngayon ay alam naman natin kung sino ang nagpapasaya sa puso nina Carlo at Maine kaya for now ay hanggang friendship lang talaga ang pwedeng mamagitan sa kanila.

Pero siyempre, who knows kung ano ang pwedeng mangyari in the future?