Kritikal ang kondisyon ng isang barista makaraang gulpihin at pagsasaksakin ng tatlong lalaki na naingayan­ umano sa pagkanta ng biktima sa Caloocan City, kahapon nang madaling-araw.

Nasa intensive care unit (ICU) ng N. Rodriguez Memorial Hospital si Mark Ryan Sangil, 23, binata, ng Phase 5, Package 5, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod matapos magtamo ng saksak sa leeg at likurang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang isa sa mga suspek na si Ronel Inopia, 25, cons­truction worker, residente ng Carmacion St., Brgy. 187 Caloocan City, habang pinaghahanap ang kanyang mga kasamahan na nakilala na alyas ‘Chistian’ at alyas ‘Jerome’.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:30 ng Linggo ng madaling-araw, umiinom sa loob ng isang videoke bar malapit sa tirahan nito si Sangil kasama ang dalawang kaibigan, kung saan nasa loob din ang mga suspek.

Nagtawanan at nagkakasiyahan ang grupo ni Sangil na ikinaasar ni Inopia kaya lumapit ito sa lamesa ng una at ki­nompronta.

Nauwi sa mainitang diskusyon ang pag-uusap kaya sinuntok ng suspek ang biktima.

Tumulong sina Jerome at Christian at sinaksak nila si Sangil.

Nahinto lamang ang kaguluhan nang duma­ting ang mga nagrorondang barangay tanod at nadakip si Inopia, pero nagawang makatakas ng dalawa niyang kaibigan.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang mga suspek.