Maja binuking ang relasyon nina Joshua, Janella

First time lang na magkatambal sina Janella Salvador at Joshua Garcia pero marami na ang kumagat sa chemistry nila.

Maging ang tiyahin at co-star ni Janella na si Maja Salvador ay boto sa tambalan nila.

Sey niya sa presscon ng Guitar Apparel, “Boto ako as a love team dahil parehas may chemistry. Si Joshua naman kahit kanino mo siya i-pair malakas yung magiging chemistry. Tapos si Janella nakita natin siyang mag-grow lalo na yung sa acting niya, ang laki ng ni-level up so parang di ba talagang parang ano sila ni Joshua.”

Paliwanag pa ni Maja, “So kung may lumabas na video o kung ano, siyempre mauunahan ng malisya. But lahat kami friends and alam naman ng dalawa na fan ako nu’ng dalawa bilang siyempre si Camila. Kasi in fairness doon sa dalawa, ang lalim talaga ng friendship na kahit ano mang pagtutukso mo talagang wala.”

Pagbubuking pa ng aktres na bagamat friends lang ang dalawa ay talaga namang super sweet. Kaya naman siguro hindi naiiwasan na bigyan ito ng malisya.

Aniya, “And then ‘yung party namin alam nilang maghihiwalay na, wala na kaming taping, so may extra sweetness pero hanggang ganoon lang.” (Rona Ronda)