Maja, Coleen & Arci, didiskarte sa P1M

Coleen Garcia

MAGBABALIK na ang Minute to Win It bukas (Lunes, Hulyo 18) sa ABS-CBN.

Husay, liksi, at diskarte ang kaila­ngan para mabago ang buhay.

Maaaring maging milyonaryo sa loob ng iisang minuto!

Sa pagbabalik ng Minute to Win It, dala nito ang mas pinasaya at mas nakakakabang challenges.

Sa bawat LUNES at MIYERKULES, pitong players ang magbabanggaan sa limang challenges na walang time limit at gamit ang mga ordinaryong bagay na makikita sa bahay.

Ang huling player na huling makakagawa o hindi makakagawa ng challenge ang matatanggal sa pagtatapos ng bawat challenge.

Magpapatuloy ito hanggang sa dalawang players na lang ang matira.

Ang dalawang players na ito ang didiretso sa Head-to-Head Challenge sa MARTES at HUWEBES, kung saan magkakatapat silang muli sa limang challenges.

Kailangang makumpleto ang bawat challenge sa loob ng isang minuto na may katumbas na cash prize.

Ang player na makakakuha ng pinakamalaking cash prize ang maglalaro sa Ultimate Challenge, kung saan magkakaroon siya ng pagkakataong maglaro para sa jackpot prize na P1M.

Pagtatagpuin ang Tuesday at Thursday winners sa isa na namang mahigpit na Head-to-Head Challenge sa BIYERNES.

Matitira ang “Ultimate Last Man Standing”.

Sa isang linggo, maaaring umabot sa P2M ang makuha ng isang ma­swerteng player kapag nanalo siya sa dalawang Ultimate Challenges.

Si Luis Manzano pa rin ang host ng Minute to Win It.

Maglalaro sina Richard Yap, Jericho Rosales, Maja Salvador, Coleen Garcia, Melai Cantiveros, Eric Nicolas at Marjan Nassiri sa Hulyo 18 & 19.

Magbabanggaan sina Arci Muñoz, Daniel Matsunaga, Joey Marquez, Denise Laurel, Baron Geisler, Negi at Rachel Daquis sa Hulyo 20 & 21.