SI Angel Locsin na pala with a tandang pandamdam ang Darna sa pelikulang ididirek ni Erik Matti.
Siya naman talaga ang pinakabagay sa role.
Okay, move on na agad ang diva that you love with a tandang pandamdam din.
Ang mga balita pala dati at ang mga dahilan kaya hindi niya na raw magagawa ang pelikula ay pawang kiyeme latik lang pala. Ang dami-daming sinuhestiyon kung sino ang dapat maging babaing bidang susuhan, ang pinakasusuhan pa rin ang nagwagi in the first place.
Ngayong Locsin is the Millenial Darna, mabuhay kaya ang bangkay na chikang ang role na ito ang dahilan kaya naghiwalay ang dekolor at puti nina Luis Manzano at Angel?
May sitsit dati na Manzano did not pursue his political plans, kasi, he was already willing to walk down the aisle and tie the knot with Locsin.
Ang ikinawindang daw ni Manzano, without his knowledge, pumirma si Angel na maging Darna muli at hindi pa nito kayang isakripisyo ang kinang na ‘di tumatagal at maging bituing walang ningning bilang kabiyak at may bahay ni Luis.
Manzano gave up on his political dream and be a hubby dearest to Angel and together start their family pero si Locsin cannot give up on a role/character na she played to the hilt already.
Of course, mukhang walang katotohanan ang chikang ito dahil it died a natural death.
Both ex-partners remained mum on their paghihiwalayan.

Kung talagang Darna na si Angel, sino kaya sa iconic villains ang bubuhayin muli?
Ang Babaeng Impakta, bagay na bagay kay Bea Alonzo.
Si Valentina, magiging effortless para kay Maja Salvador.
Ang Babaeng Lawin, keribels na keribels na si Cristine Reyes ang magbigay-buhay.
Siyempre pa, dapat pasok na villainess ang Babaeng Tuod, na bukod tanging si Kim Chiu ang pwedeng bagayan.
Kung walang search para sa bagong Ding, perfect na si Marco Masa sa karakter.
Ano kayang pagbabagong bihis, lalong-lalo na sa plot ang mangyayari sa latest Darna incarnation with Angel Locsin?
Mala-Wonder Woman kaya o ibabalik ito sa orihinal na myth created by Mars Ravelo?
Good luck sa bagong Darna team.
Lipad, Angel, lipad!
***
Paano mo ba matatanggihan ang Till I Meet You?
Unang linggo pa lang nito, nakakaadik na agad.
Ang members ng Rosas Pandan Community, kilig na kilig. Hindi dahil kina Basti (James Reid) at Iris (Nadine Lustre), kundi dahil kina Ali (JC Santos) at Basti.
Sina Reid at ang bromance nila ni JC ang naghahatid ng special kilig sa los maricones, boy bortas at pamhintas.
It really helps a lot na James and Santos are so believable and I must say hot, hot, hot!
Si Reid, panalong-panalo ang fezlak at boy, ang katawan, malaman at malusog.
Lagi pang nakasando, na minsan di sinasadyang sumilip ang utong nito.
Si JC, preppy na preppy. Tapos ang styling, pang-anak mayaman na ang emote lagi eh pang-weekend at the Hamptons ang outfits.
Hindi siya masyadong handy sa kanyang city shorts, chinos and polos.
Maharot si Basti. Nahahawa si Ali, na ikinakaalarma at ikinakatakot ni Iris.
At noong ‘di sinasadyang malasing ang dalawa, ang raise the roof na eksena, nabaliw si Ali dahil paggising niya, hubad baro sila ni Basti!
Hotness overload ang execution ng scene!
Gitlang-gitla si Ali tapos super naughty pa ‘yung question ni Basti, “Did you enjoy last night?”
Ano ito, about last night?
Di ko mapigilang mapatili nang walang sound sa mga kaganapan na isa palang bonggang-bonggang nocturnal dream sequence ni Ali!
Hahahaha!
At ‘yung eksenang narinig ni Ali na kumakalabog ang puso niya after Basti assured him na “I got your back,” another soundless pagtili ang namutawi sa inyong diva that you love.
Talagang Team Basti at Ali na ako!
Ang wish list ko, sana mas maunang magka-kissing scene sina Basti at Ali.
Open-minded ang character ni Reid dahil Greek-born. Kahit pa he does not swing both ways, the kiss is also a first for him kaya kakabog din ang puso niya in a major, major way.
Marami sana silang physical intimate scenes like holding hands while walking.
Si Ali, yayakap sa bewang niya habang nagmo-motor at si Basti pa ang hihila sa mga braso nito para mas yumakap na mahigpit. Gawing habit nila ‘yung buzzing on the cheek na traditional greeting sa Greece.
Sabay mag-shower sa ilalim ng malakas ulan na white shirts lamang ang mga suot.
Tapos, mag-piggy back ride si Ali kay Basti at vice versa.
Ang daming pampakilig na pwedeng gawin nina Reid at Santos.
Eh paano na si Iris?
Juice ko, alam natin na siya ang magwawagi sa dulo, ‘noh?!
Pwede, for the time being, pagbigyan muna ang mga diwata at sirena at busugin at pakiligin kami sa lanturan nina Basti at Ali.