Sinagot ni Maja Salvador ang tanong ng mga netizen kung secretly married na ba sila ng boyfriend na si Rambo Nunez.

“Eh ‘di wow! Kayo na!” natatawang sagot ni Maja sa video na ini-release ng ABS-CBN.

Sa naturang video ay may mga tanong ang netizens na isa-isa niyang sinagot at isa nga ito sa naitanong.

“Paano? Eh ‘di nademanda ako ng ABS?” natatawa pa rin niyang sabi.
“Hindi pa,” dagdag pa niya.

May nagtanong din kung “easy to fall in and out of love” siya at sagot niya, “‘yung easy to fall in love, yes. Fall out of love, no. Never akong na-fall out of love. Binibigyan lang nila ako ng reason para hiwalayan sila, wow!”
Actually ay mahaba raw ang kanyang pasensiya.

“‘Pag nararamdaman ko lang na hindi ako importante na sa kanila… basta, mahaba ‘yung pasensiya ko. So, hindi ako gumi-give up agad,” sey niya.

Catriona suportado si Gretchen

Hindi rin napigilan ng ating Miss Universe na si Catriona Gray na mag-react sa nangyari sa transwoman na si Gretchen Diez na pinagbawalang gumamit ng comfort room for women sa isang mall at dinala pa sa police station.

Tulad din ng ibang netizens and celebrities, kinondena rin ni Catriona ang ginawa sa transwoman at sey niya sa kanyang mahabang post sa Instagram account, ang naturang insidente raw ay nagpapatunay na kailangan na talagang i-implement ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

“LGBTQ+ rights are HUMAN rights – mga karapatang pangkaligtasan at kalayaan mula sa diskriminasyon, karahasan at pagmamalupit batay sa pagkakakilanlan.

“The incident happened in a city that has an existing anti-discrimination bill. Ibig sabihin, walang saysay ang isang bill na hindi maipatupad sa isang komunidad.

“Kasabay ng hinihinging pagpasa ng #SOGIEEQUALITYBILL, dapat din tayong humiling ng mga sumusunod bilang isang komunidad:

“1. ‘Accessible forms of information for the public such as educational drives, programs and awareness campaigns’: para mas maintindihan natin ang mga pangangailangan ng LGBTQ+ community at para malaman natin ang mga bagay na maaari pa nating magawa bilang mga kaalyado o mga taong may awa sa kapwa.

“2. ‘A SOGIE workplace policy’: para sa lahat ng mga pampublikong tagapaglingkod at mga taong may impluwensiya sa komunidad.

“Gusto ko ring pagtuunan natin ng pansin
ang katotohanang wala dapat makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso (emotional, physical o sexual), LGBTQ+ man o hindi.

“The whole arguement of shifting the blame to the victim for reasons of being trans to justify abuse – is still victim blaming and IS NOT RIGHT,” ang parte ng mahabang post ni Miss U 2018.

Pagtatapos pa ni Catriona, “ang LGBTQ + ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan – ang karapatan sa kaligtasan, proteksyon at pagkakapantay-pantay – ay laban din natin.”

As we all know, si Catriona ay strong supporter din ng LGBTQ kaya naman inaasahan na naming magsasalita siya talaga sa insidenteng ito.

(Vinia Vivar)