Maja nadismaya sa bawal shooting

Aminado si Maja Salvador na frustrated siya sa bagong rules and regulation ngayon sa paggawa ng pelikula o teleserye under the “new normal.”

“Nakaka-frustrate na ang daming bawal na eksena. Hindi natin mabibigay nang buong-buo kung ano ‘yung isinulat ng ating mga writers, di ba? Hindi natin magagawa kasi parang ang daming limitations, parang ang daming bawal,” ani Maja sa nakaraang episode ng #ExtendTheLove Actors’ Cue Facebook live session.

Pero siyempre, gusto na rin naman daw niyang magtrabaho but at the same time ay natatakot din siya sa risk na pwede siyang makapitan ng virus at maiuwi pa sa kanyang pamilya.

“And then, iisipin mo ‘yung ating mga Kapamilya na staff, mga crew, mga utility, ganyan, sila na nasa mga ilaw, audioman, pa’no sila? Parang oo, willing silang magtrabaho na ulit pero paano ang proteksyon nating lahat? Pa’no sila, lalo na sila?

“So, nakaka-frustrate,” sey pa ng aktres.

Sa ngayon daw talaga ay matinding dasal ang dapat nating gawin at milagro ang kailangan nating lahat.

“Ang hirap ng pinagdadaanan nating lahat. Ano ‘to, eh, ‘yung kalaban natin, kalaban niya lahat – mahirap, mayaman, lahat ng estado, kalaban niya.

“Kaya tayong lahat, nagkakaisa tayo na labanan natin siya, pero ang hirap ding labanan at apektado tayong lahat.

“So, isang matinding dasal. Miracle lang talaga ang kailangan natin,” pahayag ni Maja.

@@@

Bianca pabor kay Daniel

Agree si Bianca Gonzalez sa sinabi ng kapwa-Kapamilya na si Daniel Padilla tungkol sa pakikipaglaban nila para muling maibalik ang ABS-CBN.

“Sabi lang niya, ‘maaaring hindi ‘yun ang halaga ng ABS-CBN sa inyo pero okay lang ba na ‘yun ‘yung halaga nu’n sa amin at ipapaglaban namin?’ I think that made so much sense kasi, that’s why we’re fighting for it because importante siya sa amin, kabuhayan namin siya, ‘yung mga katrabaho namin, kapamilya namin,” ani Bianca sa interview niya with Tim Yap Live sa You Tube.

Kung hindi raw importante sa ibang tao (especially the bashers) ang pagkawala ng ABS-CBN ay naiintindihan nila pero hayaan naman silang ipaglaban ito.

“If hindi siya ganu’n ka-importante for you, okay. Pero allow us to fight for what we love and fight for our jobs kung baga.”

Of course, naniniwala raw sila sa tamang proseso at ‘yun nga raw ang ginagawa ng kanilang mga bosses which is ang pagdaan sa tamang proseso.

“So, while lang we are waiting, gusto lang naming i-share ‘yung sa tingin namin,” sey pa ni Bianca.