Kung sa mga serye hindi mapangahas ang isang Maja Salvador na ibalandra ang kanyang katawan, sa social media ay ayaw paaawat. Talagang nagbahagi siya ng kanyang kaseksihan.
Nagpatikim ulit si Maja na masilip ang kanyang katawan sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Ang pigura ng aktres ay maihahalintulad sa isang nagdadalaga pa lang na bulaklak.
Kumbaga, hindi laspag tignan ang kaseksihan. Idagdag mo pa ang kanyang tiyan na wala man lang kahit anong masisilayang taba. Siya ‘yung tipong inosenteng nene pero may natatagong kapilyahan.
Si Maja lang ang natatanging aktres sa showbiz na nagtataglay ng katangian na sasambahin ng sinumang lalake.
Una na, ang kagandahan nito. Sumunod ay ang talent sa, sa pag-arte, pagkanta at pagsayaw.
‘Yun nga lang nahihirapan ang sinumang lalake na paibigin si Maja (kung wala pa itong kasintahan sa kasalukuyan). Para kasi itong isang isda na napakadulas at mahirap makuha ang tiwala.
‘Yan ang nakakapagpag-init sa mga barako. Ang ma-challenge sa isang babae na hindi madaling makuha.