ITIM ang traje de boda ni Ivy Aguas (Maja Salvador) sa Wildflower bukas (Agosto 9, Miyerkules) sa ABS-CBN.

“Wildest wedding talaga ito. Sa gown pa lang ang wild na ng reaksyon n’yo. Paano pa kaya kapag napanood niyo ang buong episode?” sabi ni Maja.

maja-salvador

“Di ako pwedeng magdetalye. Basta, abangan n’yo na lang sa Wednesday. Excited na akong mapanood ninyo!”

Ang black wedding gown ay ng likha ni Val Taguba.

Hindi na mapipigilan ang pag-iisang dibdib nina Ivy at ni Arnaldo Ardiente Torillo (RK Bagatsing).

Ano ang magiging reaksyon ng pamilya Ardiente pagpasok ni Ivy ng simbahan?

Ano ang nais ipahiwatig ni Ivy sa kanyang pasabog na wedding gown?

Itiman na sa kalendaryo ang wildest wedding of the year!