ALL eyes na naman nga­yon kay Maja Salvador. At bakit kanyo? Eh kasi naman, itong si Salvador, ipinangalandakan lang naman na nag-out of town sila ni John Lloyd Cruz.

Ofcourse, there is nothing wrong in the picture. Parehong single at ready to mingle ang da­lawa.

After Gerald Anderson, walang hombreng na-link pang muli si Maja kay Lloydie, matapos maghiwalay ang de kolor at puti nila ni tabachingching princess no more na Angelica Pa­nganiban at umugong ang chika dati na si Bea Alonzo ang wo­man of the moment niya na hindi pala totoo, he can date any woman he likes.

Mukhang nobody can say no and resist the man/boy charms of Cruz.

Well, well , well … gusto lang ipakita ni Maja sa atin na tunay siyang maalindog kaya post kete post niya ang vacation nila ni John.

Ang subtext sa photos, “Mga bilatra at bekimon, isama na ang mga pamhinta… mamatay kayo sa inggit. John Lloyd is mine!”

Sige na, Maja… John Lloyd is yours, FOR NOW.

Soon, iwe-welcome ka rin sa “Minsan Ay Minahal ni Lloyd” kung saan members sina Ciara Sotto, Ruffa Gutierrez, Liz Uy at Hugot Queen Panganiban.

Tapos, over caramel popcorn and cherry Coke, compare notes kayong mga hibangers dati kay Cruz.

Ang saya-saya, di ba?

***

Ang nakakalokang anggulo dito, na tila hindi sinasadya, ang ex ni Maja na si Anderson, at one time rumored babe ni John Lloyd na Alonzo, ang playing sweet music together.

Kahit hindi naging major, major box office ang How To Be Yours nina Bea at Gerald, they are currently dating at tila on the phase na kapag tumibok ang puso, walang magagawa kundi sundin ito.

During their early starlet years, naging magsing-irog ang dalawa.

If this is second chance to a new forever, bonggang-bongga! Itodo na ‘yan hanggang sa mauwi sa kasalan.

Eh ang pambansang harot at pambansang lo­ver boy, are they looking at a new forever lalo na’t si Maja ang tila proud na proud sa pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Lloydie?

Ay! Wala akong sagot sa mahiwaga kong tanong.
Ang alam ko lang, adult na sila pareho and they know what is best for them.

Kung magiging officially yours silang da­lawa, who are we to argue?
Kung ang drama nila ay nagkakamutan sila, nagpapalipas ng mga kati … go for gold!

Walang masama kung magkamutan kayo. Ang sarap-sarap kayang magkamutan, huh!

***

Itong araw na ito, mukhang all eyes will be in the always SPG rated Karelasyon.
Tungkol na naman sa a different kind of love ang kanilang pang-afternoon delight.

Ang emotada encarnacion, si Baron Geisler ang closeted maricon na magkakaroon ng hello young lover in ther person of Derrick Monasterio.

Hindi pwedeng itanggi na Baron is one of the better actors this side of the planet.
At ang pagiging beki, keribels niyang gawin with so much authority and bravura.

Hindi ba’t diwatang TV reporter ang role niya sa pelikulang Jay kung saan wagi siya kaya maasahan na kahit maikli lang ang running time of the Saturday controversial drama, career kung career ni Geisler ang pagiging beking in love.

Curious kami if Derrick can make sabay sa pag-arte ni Baron. ‘Yung requirements of a young man na nanunukso sa sirena, effortless si Mo­nasterio.

Kahit sinong miyembro of the Rosas Pandan community, kung ala-Monasterio ang mang-aakit, all mine to give na ito agad-agad!

Walang computation-computation, scholarship at lifetime grantee ang nubile macho papa.

4 Responses