Magpapaka-wild ba si Maja Salvador sa concert niya na Maja Live On Stage in Cebu sa Feb. 04?

“Yes!” walang kagatol-gatol na sagot niya.

Gaano ka-wild?

“Sobrang wild! Ha! Ha! Ha!

“Kung dati may bed scene with Enchong Dee and JC de Vera, ngayon po, matindi rin with Vin Abrenica at Joseph Marco.

“Eh, may laban kasi sina Vin Abrenica at Joseph Marco kina Enchong at JC. Hindi ko na kailangan sabihin sa kanila na maghanda ang abs nila, dahil lagi namang handa sila.

“Nung pinaalam sa kanila ang gagawin nila, walang reklamo ang dalawa. Buti naman. Kasi, kung ano image nila, kung ano ang gusto ng tao sa kanila, ‘yun ang kailangan nilang ibigay.

“But this time, may konting twist, hindi lang pagpapaktia ng abs, kundi makikita rin naman na may ibang talent din sila na papakita. Si Vin singer din, at si Joseph magaling din kumanta. Abangan nila ang twist!” sabi ni Maja.

Sisiguraduhin ni Maja na magi-enjoy ang mga tao sa Cebu sa gagawin niya.

“Basta ipapangako ko na totodo kami sa production. Kailangan ko bumawi si costumes, sa performance. So, wala man akong banda, pero sigurado naman na siksik at puno at matutuwa talaga sla sa gagawin ko.”

So, ilalabas na niya ang boses niya na ala-Regine Velasquez?

“Gusto ko man, pero ayokong ma-bash. Kung ano na lang ang kaya ng boses ko, ‘yun na lang. Pag pinilit hindi maganda. Kung ano ang tanggap sa akin ng tao `yun na lang,” sabi ni Maja.