Maja tipid sa pagligo

Laugh trip ang Instagram live ni Maja Salvador,kamakailan.

Kasama niya ang kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez na nag-entertain ng mga tanong ng kanyang mga follower.

May nagtanong kung naliligo ba si Rambo araw-araw.

“Twide a day ako,” pakli niya.

Pumalag naman si Maja at komontra ang mga kapatid ni Rambo.

Mariing sinagot ni Maja na isang beses lang sila naliligo dahil nagtitipid sila sa tubig.

Hirit din ng bf ng aktres na minsan ay hindi.

Tinanong din si Rambo kung kanino siya nagselos sa mga naging leading man ni Maja.

Napailing siya .Buong ningning niyang sagot ay wala pa.

“Wala ka bang pinagseselosan.Para tuloy hindi ako maganda, charoot,” reaksyon ni Maja.

May humirit pa kung nagseselos ba siya kay Diego Torillo ng ‘Wild Flower’.

“Sino ‘yun?,” inosenteng tanong ni Rambo.

Ask din niya kay Maja kung sinong artista si Diego Torillo. Natahimik na lang siya nang malaman niyang si Joseph Marco ito.

Deadma naman ang dalawa sa tanong kung daks daw ba si Rambo.

Hindi rin nila nasagot ang tanong kung kalian sila ikakasal.