Kung sa hugot ni Bea sa kanyang cryptic post, hindi na pagkakamali kundi isang choice ang pagpapakatanga o pagpapakamartir, iba naman ang paniniwala ni Maja Salvador na ex ni Gerald Anderson.
“Huwag namang mali. Sa akin kasi kung minahal mo iyong tao, paano siya magiging pagkakamali eh, choice mo rin naman iyon. May natutunan ka rin so huwag nating tawa-ging mali,” makahulugan niyang pahayag.
Sey pa ni Maja, hindi niya pinagsisisihan na minahal niya ang mga taong naging malapit sa kanya kasama na ang mga ex na nagpaluha sa kanya . “No regrets, kasi choice ko rin naman iyon,” sey niya.
Balik-teleserye ni Maja sa The Killer Bride, isang revenge drama TV series na may elemento ng gothic romance na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.
Kasama niya sa cast sina Janella Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenmann. (Archie Liao)