Majoy Baron: Pang-asinta ng DLSU

Sa paglarga ng best of three championship series ng 80th UAAP Women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Sabado, ibang postura ang lalantad sa malimit na nakasanayang giyera ng La Salle-Ateneo at ngayo’y papagitnaan ito ng FEU Lady Tamaraws na sumampa sa kampeonato makalipas ang 9-taon.

May siyam na kakalasagan ang Lady Tamaraws ni coach George Pascua sa pangunguna nina outside hitters, skipper Bernadeth Pons na fourth sa scoring, eighth sa spiking, third sa digging at 3rd din sa recei­ving base sa 7-game 2nd round elims; opposite hitter Toni Rose Basas na No. 13 sa scoring at no. 3 sa serving; middle hitter Celina Elaiza Domingo na 15th sa scoring at top blocker, at setter Kyle Angela Negrito na 37th sa scoring at 5th sa setting.

Aayuda sa kanila sina OH Heather Anee Guino-o, MH Jeanette Virginia Villareal, at liberos Ria Beatriz Glenell Duremdes at Kyla Llana Atienza na mga nakapasok din sa stats department.

Pangunahing panudla naman ng DLSU Lady Spikers ni coach Ramil de Jesus sina skipper-middle blocker Mary Baron (12th scorer, 3rd blocker at 9th server, reigning MVP), outside hitter Kim Kianna Dy (no. 8 scorer, no. 6 spiker, no. 9 blocker at no. 10 server), OH Desiree Wynea Cheng (16th scorer, first server at 6th receiver), setter Michelle Monique Cobb (41st scorer, 2nd server at 3rd setter), libero Dawn Nicole Macandili (2nd digger at 2nd receiver din), MH Aduke Christine Ogun­sanya at OH Ernestine Tiamzon.

Bago idemolis ang magkahiwalay nilang mga karibal sa semifinals, pumampito ang FEU team sa spikes, 4th sa blocks, at 2nd sa serves, digs, setts at sa receives kung saan 4-2-1-1-1-1 ang La Salle. (Ramil Cruz)