Majoy, F2 training idinaan sa online

Mega-social distancing.

Dahil bawal pa ang team training ng ilang contact sports, idinaan na lang sa online ng F2 Logistics Cargo Movers ng Philippine SuperLiga (PSL) ang kanilang team conditioning.

Sa Instagram story kahapon ni volleybelle Michelle Morente, makikitang halos present ang buong koponan sa Zoom video call habang nagsasagawa ng workout.

Present sa okasyon sina Mary Joy ‘Majoy’ Baron, Rovena Instrella, Desiree Cheng, Dawn Macandili, Tyler Marie Kalei Mau, Ara Galang, at Kim Fajardo.

Nakabitin at wala pang pahayag ang pagbabalik aksiyon ng liga dahil sa patuloy pa rin ang banta ng Covid-19. (Aivan Denzel Episcope)