Lahat ay hahamakin ni Philippine SuperLiga (PSL) star Mary Joy ‘Majoy’ Baron, makuha lang ang kanyang inaasam-asam.

Ito ang hinugot ng F2 Logistics Cargo Movers ace middle hitter/blocker sa kanyang Instagram post kahapon patungkol sa pag-‘over the bakod’ makuha lang ang ‘bola’.

Banat ni Baron sa kanyang caption, “You know it is love when you’re willing to go over the bakod to get your ball,” anang 24 na taong-gulang, may taas na 6-0 na dalagang tubong Concepcion, Tarlac.

Samantala, hindi parin tiyak kung kelan muling makakabalik sa eksena ang women’s indoor volleyball tournament ng liga na nasa ikawalong edisyon na ngayong taon dulot pa rin ng banta ng coronavirus disease. (Janiel Abby Toralba)