Makati kinalmot ni Sara, Bulacan

Marlins nilunod ni Melencio, Strikers

Nanalanta si Sara Roldan ng 24 points, 7 rebounds at 3 assists nang nguyain ng Bulacan Kuyas ang Makati Super Crunch, 76-74, sa una sa tatlong laro ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations Lunes ng hapon sa The Arena-San Juan City.

Sumaklolo si Gwyne Mattew Capacio ng 10 markers sa Kuyas para sa back-to-back win at akbayan sa Group A sixth place ang Pasay Voyagers sa identical nilang 7-5 win-loss slates.

Sayang na pagkakataon para sa Super Crunch na laglag ang marka sa 9-2 maski ‘di natinag sa segunda ng nasabing grupo sa kabila na tatlo sa mga basketbolista nito ang mga nagsanib ng 49 pts.

Nangunahan ang 18 ni John Rey Villanueva, naka-17 si Joshua Torralba at may 14 bukod pa sa 10 boards si Cedric Ablaza.

Ang iskor:

Bulacan 76 – Sara 24, Capacio 10, Taganas 8, Santos 8, Dela Cruz 7, Siruma 6, Bonsubre 4, De Mesa 3, Escosio 3, Nermal 2, Arim 1, Diputado 0, Mendoza 0.

Makati 74 – Villanueva 18, Torralba 17, Ablaza 14, Apinan 9, Baloria 7, Cruz 3, Lingganay 2, Sedurifa 2, Montalbo 2, Ca­yanan 0, Morales 0,
Manlangit 0, Sta Maria 0, Importante 0, Asoro 0.

(Aivan Denzel Episcope)