Makeup ni celeb nakasira ng mukha

Dalawang friends namin ang ‘nabiktima’ ng makeup na galing sa sariling cosmetics line ng isang kilalang local celebrity (KLC).

‘Yung cheek tint na mula sa makeup line ni KLC ang tinuturong sa­larin ng dalawa naming kaibigan dahil pareho nilang ginamit ang naturang produkto.

Ayon sa aming friend #1 (F1), biglang nagkaroon ng pimples at nag-breakout ang face niya nang gumamit siya ng cheek tint ni KLC.

Nalerky si F1 dahil biglang nangati at tinubuan ng tighiyawat ang pisngi niya pag-apply niya ng nasabing cheek tint.

Ang akala ni F1 ay na-allergy lang siya sa produktong ‘yon ni KLC at baka sensitive lang ang face niya, pero ganu’n din pala ang naranasan ng amiga niya at kaibigan din naming si F2.

‘Yung cheek tint din ni KLC ang dahilan kung bakit bigla na lang na­mula at nagpatse-patse ang mukha ni F2.

Na-tense ang mestisahing si F2 dahil uminit ang pakiramdam niya at natakot siyang baka masunog ang makinis at maputing face niya!
First time makaramdam nang gano’n si F2 sa dami ng makeup brands na na-try niya, kaya naalarma siya.

May kamurahan ang cheek tint ni KLC, kaya feeling nina F1 at F2 ay isa ‘yon sa mga rason kaya hindi ito nakasundo ng face nila.

Ang tanong nila, aware kaya si KLC na may ganu’ng risk ang paggamit ng kanyang produkto? Na sa halip na ikaganda ng gagamit ay baka ikasira pa ito ng mukha nila?

‘Yun ang dahilan kaya mas preferred ng mga may pera ang more expensive brands dahil sure sila sa kalidad nito at safe dito ang kanilang mga iniingatang mukha.

Ang masa at ang mga kabataang wala pang masyadong budget for makeup ay okey na sa ­mumurahing brand. Kaya lang, suriing mabuti na pasado sa FDA dahil may ­peligro ring kapalit ito tulad na lang ng naranasan ng dalawa naming kaibigan.

Dito sa Pilipinas, ang Food and Drug Administration (FDA) ang responsable sa regulation ng cosmetic products para siguraduhing ligtas, puro at de-kalidad ang mga ito.

Sa dami ng mga nagsulputang cosmetics brand ngayon sa market, dumaan kaya talaga lahat sa pagsusuri ng FDA ang mga ito?

Sa hindi kagandahang experience na ‘yon nina F1 at F2 ay sumumpa silang hinding-hindi na gagamit ng cheek tint ni KLC. Malamang iwasan na rin nila ang pagbili ng iba pang makeup nito kesa pagsisihan lang nila.

Huwag kalimutan ang paalala: mag-ingat sa mga binibili at huwag porke mura ay patol na agad! PAK!!
***
Darren tinawag na Asia’s Songird si Lani

Hindi man napuno ang Araneta Coliseum sa “The Aces” concert nu’ng Sabado night, in fairness ay buhay na buhay ang Big Dome dahil sa ingay ng Darrenatics.

Bida sa “The Aces” sina Lani Misalucha, Jona at Darren Espanto. Pinatunayan ni Darren na marami talaga siyang supporters dahil puro fans niya ang nagti­tilian that night.

May tagasuporta rin sina Lani at Jona, pero lamang na lamang talaga ang kanilang ‘baby boy,’ na in all fairness ay hindi nagpadaig sa dalawang diva.

Kahit kapansin-pansing medyo bumaba na ang boses ni Darren dala ng pagbibinata, ke­ring-keri pa rin niya ang birit songs gaya ng applauded versions niya ng “Never Enough” (mula sa “The Greatest Showman”) at “Shallow” (mula sa “A Star is Born”).

Bet namin ang version ni Darren ng “Kathang Isip” (ng Ben & Ben) at ‘yung pag-arya niya ng “The Phantom of the Ope­ra” song sa bonggang operatic number nilang tatlo.

Si Ms. Lani ay given nang mahusay sa ope­ratic songs, ang nangabog nang bongga sa portion na ‘yon ay si Jona na super-galing sa kanyang taas-taasang arya!

Actually, maagang nag-highlight si Jona dahil sa bandang simula pa lang ay waging-wagi na ang pabulosang rendition niya ng “Somewhere Over the Rainbow.”

Aliw ‘yung blooper ni Darren na tinawag nitong Asia’s Songird si Lani sa halip na Asia’s Nightingale. Cute din ‘yung pagbuhat ni bagets sa kanyang Ate Jona dahil hindi nito abot ‘yung upuan.

Behaved ang crowd at walang sumigaw ng, “I love you, JK Labajo!!” habang kumakanta si Darren.

Sobra kaming bilib sa talento ng 17-anyos na bagets na kayang-kayang makipagsaba­yan at makipagkabugan sa mga seasoned concert performer na malayo ang agwat ng edad sa kanya.

Kailangan na lang ni Darren ng hit song na katulad ng “Buwan” ni JK para makumpleto na talaga ang singing ­career niya!