Lumaban na lang kayo, makipagbarilan para matapos na.

Ito ang panawagan ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa sa mga tiwaling tauhan ng pulisya na patuloy na sangkot sa ilegal drug activities.

Kasabay nito, umapela din si Dela Rosa sa mga pulis na huwag nang makisangkot pa sa operasyon ng ilegal na droga pero kung hindi sumunod ang mga ito ay hinamon na makipaglaban na lamang.

“Imbes na makiusap ako sa kanila, manlaban na lang mga pasaway na pulis, makipagbarilan sa operating troops, tapos na yan,” wika ni Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na dahil hindi na makuha pa sa pakiusapan kahit na mahigpit ang cleansing ng PNP, ganuon na lamang ang gawin para mapadali ang paglutas sa problema laban sa mga tiwaling pulis.

Inamin din ni Dela Rosa na siya ay nababagalan sa proseso ng ­pagpapanagot sa mga tiwaling pulis ­dahil kapag kinasuhan ay naka­kapagpiyansa rin ang mga ito dahil suportado ng druglord, at kapag nakalabas, tuloy na naman ang ­operasyon.

4 Responses

    1. tayong mga KA-DDS, marunong lang humawak ng baril at iputok ito..pwede na tayo magpulis o maging chief….basta putok lang ng putok..kahit sino ang matamaan…hahaaha

    1. ang galing-galing talaga nating mga DDS..sino ba makaka-isip nyang suggestion mo..wala….singot pa more..para mas maraming idea….