Sa isang umpukan ng mga miron ng showbiz ay nakasama sa biyahe ng mga kuripot at makukunat na artista ang isang pamosong male perso­nality. Magaling siyang humawak ng pana­nalapi. Ayaw na niyang bumalik pa uli sa dating buhay ng kanyang pa­milya na salat na salat sa biyaya.

‘Yun ang dahilan kung bakit mula sa mga pinagpuyatan niyang talent fee sa pag-aartista ay nag-ipon siya nang todo, nagtipid siya nang husto, hanggang sa makapagsimula na siya ng maliit na negosyo.

Kuwento ng aming source, “Nakatutok siya sa lahat ng gastusin nila sa bahay. Tubig, kur­yente, pamalengke, lahat ‘yun, sinusubaybayan niya dahil sa kanya nanggagaling ang pambayad.

“May oras ang pagbubukas niya ng aircon. Kapag one hundred meters na lang ang layo niya sa house nila, du’n pa lang bubuksan ang aircon sa kuwarto niya. At kapag malamig na ang bedroom niya, pinapatay niya ang aircon, bubuksan niya na lang uli kapag naiinitan na siya.

“Ang ulam nila, isang kumbinasyon lang. Isang may sabaw, saka isang klase ng prito. Hindi puwedeng tatlo dahil magastos nga naman, kaya sabaw at prito lang ang ipinaluluto niya.

“Bantay-sarado rin siya sa paggamit ng tubig. Ang pinaglabahan at ginamit sa paglilinis ng bahay nila, e, hindi basta-basta itinatapon lang. Ipinapampaligo ‘yun sa mga alaga nilang aso, saka ipinangdidilig sa mga halaman.

“Kontrolado rin niya ang kuryente. Kung hindi naman kailangan ng ilaw sa isang part ng house nila, kailangang patay ang kuryente, bubuksan lang ‘yun kung talagang kailangan na.

“Ganu’n siya katindi sa pagbabantay sa mga gastusin nila sa bahay, pero tingnan n’yo naman kung ano ang buhay na meron siya ngayon. Napagtapos niya sa pag-aaral ang mga kapatid at pamangkin niya, mala­king negosyante na rin siya ngayon!

“May naging magandang resulta ang pagiging matipid at makunat niya, naabot niya ang mga pangarap niya, hinding-hindi na siya maghihirap pa dahil napaghandaan na niya ang kinabukasan niya at ng family niya,” mahabang kuwento ng aming source na malapit sa male personality.

Pasok!

Jake inalmahan ang pagbuyangyang ng bukol

Kinuwestiyon lang at pinagpistahan pero sa katagalan ay natanggap na rin ng publiko ang paglalantad ni Charice Pempengco sa tunay niyang kasarian. Kilala na siya bilang si Jake Zyrus na isang transman.

Ang unang aksiyon na ginawa ng magaling na singer ay ang pagpapapungos ng kanyang dibdib. Kasabay nu’n ang pag-inom at pagpapa-inject niya ng steroids para magboses-lalaki na siya.

Lahat ‘yun ay inunawa ng ating mga kababayan, du’n siya masaya, kaya nawiwindang man ang kanyang mga tagasuporta ay ibinigay ng mga ito ang hilig ni Jake.

Pero sa pinakahu­ling IG post ni Jake Zyrus kung saan siya nag-selfie na parang ipinakikita pa niya ang umbok sa kanyang harapan ay umalma na ang mas nakararami.

Sana raw ay sarilinin na lang ng singer ang kanyang trip. Kung pati ang kanyang sandata ay pinapalitan na niya ng panglalaki ay huwag na sana niyang ibahagi pa sa publiko ang kanyang pangarap na natupad, huwag na niyang ipagmalaki pa, dahil siguradong may mga hindi makauunawa sa kanya tulad ngayon.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Sige na, lalaki na siya, pero huwag na niyang ipagbuyangyangan pa sa social media ang bukol niya!

“Tantanan na niya ang ganyan! Lagi nating alalahanin ang sinabi ng lola niya na anuman ang pangarapin niya, anuman ang mga pagbabagong mangyari sa katawan niya, e, nireregla pa rin siya buwan-buwan!” inis na inis na sultada ni prop.

Ha! Ha! Ha! Ha!