Makupad na hustisya kay Batocabe hudyat ng marami pang patayan

Mas marami pang high-profile na politiko ang titimbuwang lalo na’t papalapit na ang halalan sa Mayo 2019.

Ito ang ibinabala ni Antipolo City Rep. Romeo Acop kung patuloy na magiging makupad ang mga awtoridad at hindi magpapakabibo sa paglutas ng nangyaring pagpaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Si Acop ay dating police comptroller ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno noon ni dating PNP chief director general at ngayo’y Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Naniniwala ang kongresista na da­ting police general na lalong lalakas ang loob ng mga grupo ng gun-for-hire kung makikita ng mga ito na mabagal ang pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Batocabe at sa security aide nito.

“It will further encourage or give confidence to criminals to target more politicians. If they (mga galamay ng gun-for-hire) can get away with the murder of Cong. Rodel and his security aide, this might embolden them to assassinate more po­liticians, including well-known political leaders. Iisipin nila na ganu’n lang pala kadali pumatay ng congressman,” paghahayag ni Acop sa isang pana­yam.

Matatandaan na Dis­yembre 22, nga­yong taon, nang birahin sina Batocabe at Diaz, matapos mamahagi ng mga regalo sa mga kababa­yang may kapansa­nan at senior citizen sa Brgy. Burgos sa Daraga, Albay. (Aries Cano)