PRETTY young actress talaga siya. No doubt about it.
Ang mukha niya ay parang anghel.
As in… parang ako lang.
Tanggalan man siya ng make-up, maganda pa rin.
Kahit bagong gising sa umaga at may muta-muta pa, lutang pa rin ang kanyang kariktan.
Sa ngayon ay in lovey siya sa isang yummy actor.
Buong akala ng mga utaw, nagbago na ang ugali ni pretty young actress.
Mabait kasi ang BF niyang yummy actor. Laging naka-smile si pogi, kaya naman si young actress ay ngiti rin nang ngiti.
Pero!
Kapag hindi niya ka-join si yummy actor, lumalabas ang totoong ugali ni pretty young actress…
Maldita! Plastikada! Supladita! Ipokrita! Mahadera!
Et cetera! Et cetera! Et cetera!
One day, isang araw… may out of town show si pretty young actress sa Kabisayaan.
Ka-join niya si road manager at si alalay na tagabuhat ng mga dalahin niya.
Naka-shades si young actress sa airport.
Chikahan sila nang chikahan ni RM (road manager).
Siyempre, knows si young actress ng madlang people. Binabati siya.
Dedma ang hitad.
Walang humpay ang chika-chika nila ni RM hanggang pag-upo nila.
Nang matigil ang chikahan nila, may lumapit na mga utaw para magpa-picture.
Ang sey ni RM sa lumapit, “Sori po, tulog siya.”
Tulug-tulugan ang akting ni pretty young actress.
Nang makaalis na ang gustong magpa-picture, umaatikabong chikahan ulit sila ng RM with matching hagikhikan pa.
Nang humupa ang kanilang talastasan, may mga lumapit na namang utaw.
Kung pwede raw magpa-selfie kay pretty young actress na Plasticia nyosticada.
Hirit na naman ni RM, “Tulog po siya, pasensya na, ha? Pagod po kasi siya. Sobra!”
Tulug-tulugan na naman ang acting ni Pretty young actress, this time with matching hilik!
Ngrrrkkkk!
Hindi pa nakakalayo ang mga lumapit, dinig na dinig nila ang malutong na halakhak ng young actress na mukhang anghel pero kampon pala ng kadiliman!
Woooooohhhh!