DALAWANG pretty teen actress, mala-anghel ang fez at virginal ang itsura (gaya ko)…
Pero pagkagat ng dilim, humahalimaw na parang gustong sumipsip ng dugo sa mga utaw na nasasalubong.
Da huuu sila?
Well, well, well… deep well! Naging magkaibigan sila simula nang sabay silang sumali sa acting workshop.
Dahil magaling at pretty talaga, madali silang nagkapalagayan ng loob.
Naging friendship sila at may motto in life na, “Try and try until you succeed” kaya join nang join sa mga audition and go-see, maging sa mga beauty contest ng pretty girls (nanalo na ako riyan).
May pinalad, may na-luz valdez. Wala sa kanila ‘yun dahil super BFF na nga sila.
At eto na ang moment of truth… pumasa silang dalawa sa artista search.
Tumagal ang contest kaya feel na feel nila ang pagiging star! Natapos ang contest, first runner-up ‘yung isa.
The other one, Thank You Girl.
Sila ang nagustuhan ng mga hurado kaya winner na rin. Nabigyan na sila ng mga guesting sa TV at special role sa movie.
Lumaki ang name nila at sabay pa rin, in fairness.
Back-to-back movie, teleserye, out of town shows… Pati sa ibang bansa, na-invade na rin ng talent nila.
Dumami ang datung at na-buy na nila ang mga gusto nilang gamit from head to toe.
Nabarkada sila sa iba pang young stars na gumigimik madalas as in party-party.
Doon na sila natutong juminom at makipag-Inglesan sa richie rich youngbloods ng bansa.
Kaya kapag nasa trabaho ang dalawa at dumidilim na, nag-iiba ang anyo nila na halos pihitin ang mga kamay ng relo para gumabi na at tapusin ang taping o shooting.
Kating-kati na ang mga paa nila kasabay ng kati ng kanilang lalamunan para makainom.
Pero hindi ninyo mapapansin sa kanilang pretty face na madaling-araw sila nakauwi galing gimik at waaah rin ang amoy ng vodka, tequila, rhum atbp.
Kung wala naman silang napeperwisyo ok lang. Kaligayahan nila yun. Walang basagan ng trip. Just saying