Malabanan lumayas din sa PLDT

Nabawasan ng lakas at ­posibleng mangapa o dadaan ngayon sa ma­tinding adjustments ang Philippine Long Distance Telephone sa magi­ging kampanya sa nalalapit na 8th Philippine SuperLiga 2020

Ito’y nang maging si Jerrili Malabanan ay nakisanib-puwersa na rin sa pagbabalik ni Grethcel Soltones sa PetroGazz ng Premier Volleyball League sa nakatakdang pang-apat na edisyon ng liga para sa kasalukuyang taon

Kapwa 24-anyos, dating magkakampi ang 5-foot-11 outside hitter na si Malabanan at 5-8 na si Soltones Power Hitters sa PSL sa nakalipas lang na taon. Kaya ­naman magiging malaking ­sandata ito para sa Angels upang maisakatuparan ang resbak kontra Creamline.

Kabilang rin si Malabanan sa tumapos ng runner-up PayMaya High Flyers kasama ang San Beda star na si Soltones taong 2018 sa PVL Reinforced Conference.

Dahil sa isa-isang ­paglagas ng mga ­dating manlalaro ng PLDT at paglipat sa ibang koponan, kasama rin si Jasmine Nabor, na kasalukuyang naki­kipagnegosasyon sa Foton, at tuluyang nagpatagilid ngayon sa PLDT. (Aivan Episcope)