Kinalampag ng Commission on Audit (COA) ang city government ng Malabon matapos na mabigong makamit ang 2018 revenue projection makaraang kapusin ng halos kalahating bilyon na umano’y makakaapek­to sa kanilang serbisyo publiko.

“It bears to stress the realization of the target estimates guarantee the funding of pro­jects, programs and bene­fits (PPAs) of the City essential in the delivery of public service to its constituents,” sabi ng COA sa kanilang annual audit report.

Noong 2018, tinarget ng pamahalang lokal na makakolekta ng P1.7 bilyon na total re­venue. Gayunman, sa report bago matapos ang taon ay natuklasan na kulang ng P627 milyon dahil nasa P1.07 bilyon lang ang kinita ng Malabon sa buwis. (Yves Briones)