Malacañang duda sa ‘nanlaban’ survey ng SWS

Ernesto Abella

Iginagalang ng Mala­cañang ang resulta ng latest survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing umaabot sa 54% ang hindi naniniwala sa kartada ng mga pulis na nanlaban ang mga natodas na drug suspect.

Pero ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, dumidistansiya sila sa nabuong konklusyo­n ng survey sapagkat tila kuwestyunable ang paglalahad ng ilang katanungan.

“We respect SWS and all that. Kaya lang itong mga certain portions of that survey medyo kwestyunable. We find na medyo leading ‘yung questions kumbaga…the way na-phrase ‘yung tanong parang napipilitan ang tao to answer in a particular manner. Parang naka-set-up ‘yung mga sagot,” pagkokomento ni Abella sa isang pa­nayam kahapon ng hapon.

Umaasa ang Palace spokesman na sa susunod pang mga survey ng SWS ay mas maging maayo­s ang pagkakatanong sa mga respondent.

“So, ang amin po…kaya medyo dinidistansiya natin ‘yung sarili natin from their conclusion…we find that those conclusions that they have made a little bit…from our point of view…suspect… kasi the way the questions asked. We wish na ang atin pong desire is that medyo next time po siguro ay mas maayos po ang pagkakatanong para hindi naman po ganun ang mga conclusions na nado-draw,” dagdag ni Abella.

Batid aniya ng mga Pinoy na pangunahing prayori­ad ng gobyernong Duterte ay puksain ang ilegal na droga.

“Aside from that ang ano natin…from the way people responded so far the very high approval of the Presi­dent, the very high ‘yung trust rating ng Presidente, the way they have accepted na kumbaga ibinoto nila ang Presidente alam nila yung posisyon ng Presidente against drugs they know that. They know the President’s position regarding yung kanyang pagpoprotekta sa next gene­ration kaya yung mga conclusion ganun while we understand na maraming kaganapan na nangyari sa kampanya (versus illegal drugs) pero the way the questions…is a little bit that we find questionable,” paliwanag ni Abella.