Kinondena at ikina­galit ng Malacañang ang walang habas na pagpatay kay dating Batangas congressman Edgar Mendoza.

Ito ay makaraang mapaulat ang karumal-du­mal na pagpatay sa da­ting mambabatas kasama ang dalawa pa na binaril at sinunog ang mga labi sa loob ng kanyang sasakyan sa lalawigan ng Quezon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo kailangang madakip at maipakulong ang mga gumawa sa karumal-du­malo na pagpatay sa da­ting kongresista.

“We are outraged upon learning of the dastardly murder of former Batangas 2nd District Representative Edgar Mendoza. This is an outrageous act of barbarism. The perpetrators of this heinous crime will be pursued till they are placed behind bars,” ani Panelo.

Tinitiyak ng Malacañang sa pamilya ni Mendoza na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito at maipapataw ang pinakamabigat na parusa sa mga nasa likod ng krimen.

Ipinaabot na rin ng Malacañang ang pakikiramay at simpatiya sa nauli­lang pamilya ni Mendoza, pati na sa mga kamag-anak, kaibigan at consti­tuents nito.

“We assure the bereaved family of the deceased that justice will be accorded by prosecuting the people behind this dastardly crime to the fullest extent of the law.

“As the Palace condemns this recent felony, we express our deep condolences to the family, loved ones, colleagues and constituents of the late former Congressman Edgar Mendoza,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)