Malacañang nakiramay sa pagpanaw ni Bong Tan

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagyao ng anak ni business tycoon Lucio Tan na si Lucio ‘Bong’ Tan Jr. matapos itong bumagsak habang naglalaro ng basketball nitong weekend at agad na dinala sa pagamutan.

Si Tan Jr, ay kasalukuyang Presidente at chief Opera­ting Officer ng Philippine Airlines Holdings Incorporated.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipinaabot na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikiramay at simpatiya sa pamilya Tan sa hindi inaasahang pagpapanaw ni Bong Tan.

“The Office of the President expresses its deep condolences and heartfelt sympathies to the Tan family, especially to Mr. Lucio Tan, his wife and his children, on the untimely demise of Mr. Bong Tan at the age of 53,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na kilala niya si Bong Tan bilang mapagpakumbaba, seryoso suba­lit palangiting tao sa kabila ng kanyang estado sa lipunan at handang tumulong sa mga nangangailangan nito.

Sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) na malaking kawalan ang maagang pagyao ni Bong Tan, hindi lamang sa kanyang pamilya kundi sa larangan ng pagnenegosyo at sports.

Bukod sa pagiging Presidente at COO ng PAL Holding­s, si Tan Jr din ang head coach ng University of East team sa basketball. (Aileen Taliping)