Ikinalungkot ng Malacañang ang balitang pagpanaw ni da­ting United States of America President George W. Bush.

Sa ipinalabas na pahayag ng Malacañang, ipinaabot ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pakikiramay at dasal ng gobyerno at ng samba­yanang Pilipino sa pa­milya Bush gayundin sa mamamayan ng Amerika.

“The Palace is deeply saddened by the news of the passing of former President George Herbert Walker Bush of the United States of America,” ani Panelo.

Ang yumaong Presi­dente ay pang-41 na lider ng Amerika at na­ging tampok sa kanyang pamamahala ang kanyang foreign policy na naging daan sa pagtatapos ng Cold War.

Pinanindigan ni Bush senior ang pagpapatupad ng kala­yaan at naging pamoso ang kanyang mga katagang “The anchor in our world today is freedom, holding us steady in times of change, a symbol of hope to all the world.”
Yumao si Bush sa edad na 94.