Nakiramay ang Malacanang sa pamilya ni Michelle Silvertino na namatay habang naghihintay ng masasakyang bus pauwi sa Bicol at nangakong hindi na muling mauulit ang katulad na insidente.

“Nakikiramay kami sa pamilya ni Michelle na binawian ng buhay habang naghihintay ng masasakyan pauwi si probinsya,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa online press briefing kahapon.