Malacañang tiwala sa disiplina ng mga Pinoy

Kumpiyansa ang Malacañang na susundin ng mga Pilipino ang ipatutupad na health at safety protocol kapag isinailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) sa susunod na linggo.

“The level of confidence is very high. Unang-una, napatunayan ng mga Pilipino na kaya nilang sumunod dahil naman, by and large, itong more than 70 days na tayong nagkaroon ng ECQ at MECQ, pinatunayan natin na disiplinado po ang mga Pilipino,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa online press conference nitong Huwebes.

Sinabi pa nito na ano man ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mananatili pa rin ang mga health at safety protocol sa bansa.

“Meron pa rin tayong mga checkpoint. Meron pa rin tayong mga curfew. So, hindi naman po completely mawawala `yung ating mga existing responses to make sure na hindi naman po balik sa normal tayo. So patuloy pa rin `yan habang tayo ay merong community quarantine,” according to him.(Prince Golez)