Malacañang tumukod sa pagpapalayas kay Napoles sa WPP

Janet Napoles

Sinuportahan ng Mala­cañang ang naging desisyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na alisin ang provisional coverage ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa Witness Protection Program.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tama lamang ang na­ging desisyon ni Guevarra dahil si Napoles ay hindi least guilty sa multi-bil­yong pisong pork barrel scam.

Katunayan aniya ay si Napoles ang itinuturong utak ng multi-billion peso scam.

“We support DOJ sec decision and agreee that Lim is not least guilty whose testimony is not indispensible and can be testified upon by other witnesses,” ani Roque.

Ayon naman kay Senador Joel Villanueva, alam naman ng lahat na si Napoles ang utak ng iskandalo kaya’t hindi na ito dapat pang kinakanlong.

Kung may kasabwat mang iba pa si Napoles, hindi anya maaalis ang katotohanan na isa pa rin siya sa pangunahin­g suspek sa naturang ­anomalya.

“DOJ should do the right thing. We all know she’s one of the brains if not ‘the brain’ of this terrible scheme,” pahayag ni Villanueva sa Abante.

Ang pagkakasama ni Napoles sa WPP ay nangyari sa ilalim ng panga­ngasiwa ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre at umani ng mga puna at batikos.

Isa sa unang umalma sa naging desisyon ni Aguirre ay ang state witness ng pork scam na si Benhur Luy.

Una nang inilagay si Napoles sa provisional WPP sa ilalim ng admi­nistrasyon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.