Malakas ang pruweba kung bakit ‘di puwedeng ilibing si FM sa LNMB

ferdinand-marcos-body

May malakas na pruweba kung bakit hindi maaaring payagan ng Supreme Court (SC) ang paglibing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City, ayon kay Sen. Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV.

Sinabi ni Sen. Bam Aquino na ilan sa mga pruweba ay ang mga umiiral na batas kaugnay sa ginawang pagnanakaw ng mga Marcos sa pondo ng bayan at ang mga nakalipas na desisyon ng SC.

“If you look at the law seeking for reparation sa Martial Law victims, if you look at the EO na gumagawa ng PCGG, if you look at some Supreme Court decisions, nakalagay naman doon na malinaw na malinaw na nagnakaw si former President Marcos sa ating bansa kaya nga tayo may PCGG kasi hinahabol pa rin natin ang P10 billion na ninakaw sa ating bayan,” paliwanag ni Sen. Bam.

“Palagay ko, iyong mga ibang batas na nakalagay na iyan, iyong ibang Supreme Court decisions, palagay ko hindi man siya na-convict sa crime on mora­l turpitude, malinaw naman sa ating mga batas na nandiyan na iyan, naka-state na, tanggap na na mayroon talagang pagnanakaw na nangyari,” dagdag pa ng senador.